Here’s How Team Gaspar Prepared and Celebrated For Star Magic All-Star Games 2024

Isa sa mga inabangang laban ngayong taon ay ang paghaharap ng Cong’s Anbelibabol Basketball at Shooting Stars Bluen sa Star Magic All Star Games 2024.

Sa likod ng masaya at hindi makakalimutang karanasan, ay ang kanya-kanyang paghahanda ng bawat isa, partikular na ng point guard ng koponan ng Team Payaman na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng.

Supportive Wife

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Pat Velasquez-Gaspar ang naging paghahanda ng asawa nitong si Boss Keng bilang point guard ng Cong’s Anbelibabol Basketball team.

Sampung araw bago ang kanilang laro, hindi nagkulang sa suporta at pag-aalaga ang misis ni Boss Keng dahilan upang lalo itong ganahan sa laban.

“Feeling ko mas magaling kayo ‘dun sa mga ‘yun no! Alam mo, Donny? No! Boss Keng? Yes!” biro ni Pat sa asawa.

Isa pa sa request ni Pat ay nais nitong maituro ni Boss Keng kung sakali man ito’y makakashoot ng bola.

Pagdating ng araw ng kanilang laban, bumiyahe si Pat kasama sina Kevin Hufana at Kha Villes sa Araneta Coliseum upang personal na ipahatid ang kanilang suporta.

Kasama rin nito ang mga magulang na sina Mama Revlon at Papa Shoutout na game na game na umuporta sa mga manlalaro ng Team Payaman.

Pagdating ng halftime ay naki-upo na rin si Pat sa tabi ng kapwa Team Payaman girls na sina Viy Cortez, Vien Iligan-Velasquez, at Clouie Dims na all out din ang suporta sa kani-kanilang mga mister at nobyo.

Habang naglalaro, pinabaunan din ni Pat ng matamis na halik si Boss Keng upang lalo itong ganahan sa kanyang laro.

“Yieeee!” reaksyon ng TP Girls.

The Celebration

Sa bagong vlog naman ni Boss Keng, ibinahagi nito ang munting pagdiriwang matapos ang laban kontra sa ilang Star Magic artists.

At syempre, isang munting blowout din ang hatid ni Boss Keng kay Nelson Mendoza, a.k.a Sonny J matapos mapabilang sa Mythical 5.

Bago ang lahat, ipinahatid ni Sonny J ang kanyang mensahe sa mga suporta sa kanya at sa Team Payaman.

“Maraming salamat sa inyong suporta hindi lang sa akin kung hindi sa buong Team Payaman at Cong’s Anbelibabol Basketball,” ani Nelson.

Para sa kanyang reward, pinapili ni Boss Keng si Nelson kung nais ba nitong magkaroon ng bagong sapatos o nais nitong kumain sa isang restauran, at napili nitong makasama ang mga kaibigan na kumain sa labas.

“Congratulations, Sonny J!” pagbati ni Boss Keng.

Watch the full vlogs below:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *