Sa kabila ng matinding init sa Brgy. Don Bosco, Parañaque City, hinamon ni Dudut Lang ang sarili sa pamamagitan ng paglalako ng Taho at maging “Highest Earning Taho Vendor” sa isang araw.
Gamit ang motor at iba pang kagamitan ng kilalang magtataho sa barangay na si Tatay Jerry, inikot at binenta ni Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang ang taho kasama rin si Kagawad Chino Liu, a.k.a Tita Krissy Achino.
Upang mas makaakit pa ng mamimili, ginamit ni Dudut Lang ang megaphone ni Tatay Jerry upang magrecord ng impromptu na kanta patungkol sa Taho.
“Boses pa lang alam mo nang maraming mabebenta, Tay, eh,” determinadong sabi ni Dudut.
Matapos sumubok ng iba’t-ibang diskarte at makabenta sa mga grupo ng tao sa barangay, nakatanggap si Dudut ng kumento mula sa isang nanay na tila suki ni Tatay Jerry.
“Mag-practice ka nang mabilis para puntahan ka nang marami. Mabagal ka,” payo nito kay Dudut.
Sa kabila nito, inisaip lang din ni Dudut ang payo sa kanya ni Tatay Jerry: “Ang importante ay masarapan ang bumibili.”
Samantala, sa kabila ng pagbebenta mula alas-sais hanggang alas-diyes ng umaga ay nakukulangan pa si Dudut sa kanyang kinita, kaya naman minabuti niyang bentahan na rin ang Team Payaman members sa Congpound.
“Gusto ko kasi dagdagan pa ‘tong kita mo eh. Uuwi muna ako sa amin, ibebenta ko ‘to sa mga kasama ko,” pagpapaalam ni Dudut kay Tatay Jerry.
Hindi naman nabigo si Dudut nang binayaran siya ng tig-iisang libo nina Yow Andrada, Boss Keng, at Steve Wijayawickrama, at tatlong libo naman mula kay Cong TV.
Sa huli, kumita si Dudut ng kabuuang P7,000 at ginawang pinakamahal na nabentang taho sa buong Pilipinas si Tatay Jerry.
Laking pasasalamat naman ni Tatay Jerry kay Dudut: “Salamat ah, talagang pahinga ko talaga ngayon.”
“‘Yun lang ang gusto ko ‘tay, makapagpahinga ka, wala nang iba,” sagot naman ni Dudut.
Watch the full vlog here:
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…
This website uses cookies.