Dudut Lang Attempts to be the Highest Earning Taho Vendor For a Day

Sa kabila ng matinding init sa Brgy. Don Bosco, Parañaque City, hinamon ni Dudut Lang ang sarili sa pamamagitan ng paglalako ng Taho at maging “Highest Earning Taho Vendor” sa isang araw. 

Layunin: Para kay Tatay Jerry

Gamit ang motor at iba pang kagamitan ng kilalang magtataho sa barangay na si Tatay Jerry, inikot at binenta ni Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang ang taho kasama rin si Kagawad Chino Liu, a.k.a Tita Krissy Achino. 

Upang mas makaakit pa ng mamimili, ginamit ni Dudut Lang ang megaphone ni Tatay Jerry upang magrecord ng impromptu na kanta patungkol sa Taho.

Boses pa lang alam mo nang maraming mabebenta, Tay, eh,” determinadong sabi ni Dudut.

Matapos sumubok ng iba’t-ibang diskarte at makabenta sa mga grupo ng tao sa barangay, nakatanggap si Dudut ng kumento mula sa isang nanay na tila suki ni Tatay Jerry. 

Mag-practice ka nang mabilis para puntahan ka nang marami. Mabagal ka,” payo nito kay Dudut.

Sa kabila nito, inisaip lang din ni Dudut ang payo sa kanya ni Tatay Jerry: “Ang importante ay masarapan ang bumibili.

Last push: Bentahan ang Team Payaman

Samantala, sa kabila ng pagbebenta mula alas-sais hanggang alas-diyes ng umaga ay nakukulangan pa si Dudut sa kanyang kinita, kaya naman minabuti niyang bentahan na rin ang Team Payaman members sa Congpound. 

Gusto ko kasi dagdagan pa ‘tong kita mo eh. Uuwi muna ako sa amin, ibebenta ko ‘to sa mga kasama ko,” pagpapaalam ni Dudut kay Tatay Jerry.

Hindi naman nabigo si Dudut nang binayaran siya ng tig-iisang libo nina Yow Andrada, Boss Keng, at Steve Wijayawickrama, at tatlong libo naman mula kay Cong TV.

Sa huli, kumita si Dudut ng kabuuang P7,000 at ginawang pinakamahal na nabentang taho sa buong Pilipinas si Tatay Jerry.

Laking pasasalamat naman ni Tatay Jerry kay Dudut: “Salamat ah, talagang pahinga ko talaga ngayon.

‘Yun lang ang gusto ko ‘tay, makapagpahinga ka, wala nang iba,” sagot naman ni Dudut.

Watch the full vlog here: 

Likes:
0 0
Views:
89
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *