Yiv Cortez Cherishes First Travel Abroad for Sister’s Surprise Bridal Shower

Nitong nakaraang buwan, matatandaang isang surpresang bridal shower sa Thailand ang inihanda ng Team Payaman Girls para sa soon-to-be Mrs. Velasquez na si Viy Cortez.

Isa sa mga highlights ng nasabing surpresa ay ang “unexpected appearance” ng kanyang mga kapatid na sina Yiv at Ivy Cortez. 

Thailand Trip

Sa bagong vlog ni Yiv Cortez, makikita ang excitement ng magkapatid si Yiv at Ivy dahil ito rin ang kanilang unang international trip.

Sa kanilang unang araw sa Thailand, super enjoy ang magkapatid sa pamamasyal kasama ang TP Wild Cats.

Tuwang-tuwa ang bunsong kapatid ni Viviys sa kakaibang tanawin na para sa kanya ay tila bumalik siya sa 90s era. 

Namasyal din ang magkapatid at namili ng souvenirs at iba pang pasalubong sa isang lugar na ani Yiv ay mayroong  “Divisoria vibes.” 

“Nagbagahe na kami sa dami ng binili namin,” kwento pa ni Yiv.

D-Day

Matapos ang kanilang food trip at adventure, nagsimula na silang maghanda para sa pinaka-aabangang surprise bridal shower para kay Viy Cortez. Sa kabila ng kaba na baka mabuking ang Wild Cats, matagumpay nilang nairaos ang sorpresa para kay Viy. 

“Alam niyo kung ba’t ako naiiyak? Kasi nung una pa, nalilito ‘ko kasi nakita ko gano’n [may sash]… ‘ay nagpa-bridal shower si Snake Brand.’ Tapos pagtingin ko sa mga mukha, kayo [pala!],” hindi makapaniwalang saad ni Viy.

Arte lang umano ang lahat kaya’t hindi nahalata ni Viy ang kanilang plano, ayon sa Team Payaman girls.

“SURPRISE!” masayang pagbati nila.

Lubos naman ang pagpasalamat ni Viy sa mga malalapit na kaibigan.

 “Thank you, guys! Grabe ‘yung effort niyo!”

Lingid sa kaalaman ni Viviys ay may dagdag pang sorpresa ang naghihintay sa kaniya – ito ay ang hindi inaasahang pagdating ng kaniyang mga kapatid sa bridal shower.

Hindi naman matutumbasan tuwa ni Viy Cortez nang lumabas na ang kaniyang mga kapatid.

Samantala, sinulit nman ng magkapatid na Ivy at Yiv ang kanilang huling araw sa Thailand sa pamamagitan ngpamamasyal at food trips kasama sina Viy, Cong TV, Kidlat, at Team Payaman Wild Cats.

Watch the full vlog here:

Likes:
0 0
Views:
93
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *