Categories: Uncategorized

Team Payaman Hypes Up Star Magic All-Star Games 2024: Event Highlights, Surprises, and Unforgettable Moments

Dumating na ang pinakahihintay na tagpo ng Team Payaman fans na makitang maglaro sa hard court ng Star Magic All Star Games 2024 ang koponan ng Cong’s Anbelibabol Basketball na pinangungunahan ni Cong TV. 

Linggo, June 2, 2024 nang yanigin ng Team Payaman ang Smart Araneta Coliseum sa kanilang presensya, depensa, at siyempre baong kwela sa pagharap sa Star Magic Shooting Stars Blue Team.

Balikan natin ang ilan sa mga hindi malilimutang tagpo sa kauna-unahang pagbisita ng Team Payaman sa Star Magic All Star Games. 

Bini x Team Payaman

Bago pa man mag-umpisa ang laban, isang hindi inaasahang pagkikita ang gumulat sa fans ng Team Payaman at all-girl Ppop group na BINI. Ito ay matapos magkadaupang palad ang dalawang grupo habang nasa rehearsal. 

Hindi rin nagpahuli ang Team Payaman mommah na si Viy Cortez na personal na makilala at mapanood ang half-time performance ng BINI.


Team Payaman Girls as Cheerleader

Siyempre, present din para manood at sumuporta ang Team Payaman girls na sina Viy Cortez, Vien Iligan-Velasquez, at Clouie Dims. Bitbit pa ng mga proud misis at jowa ang higanteng bubble head photos nina Cong TV, Junnie Boy, at Dudut Lang. 

Samantala, sa isang interview pinalakas naman ni Viviys ang loob ng kaniyang soon-to-be husband sa pagsasabing siya ang bahala sa kanilang honeymoon kapag naipanalo ng Cong’s Anbelibabol Basketball team ang kanilang laban. 

Cong’s Interview

Samantala, nag viral naman ang larawan ni Cong TV na kinunan habang nasa gitna ng interview ng ABS-CBN. Bagamat wala namang ginawang kakaiba ang 32-anyos na vlogger, tila napagkatuwaan ng netizens ang ilang Team Payaman members ang nasabing litrato kung saan tila tulala si Cong TV. 

“Inosente po ako,” biro ni Cong. 

“Bakit parang prime suspect?” tanong naman ni Kevin Hufana. 

Surprise Performance

Pero ang ikinagulat ng lahat ay ang surpresang production number ng Cong’s Anbelibabol Basketball nang ipakilala na ang kanilang grupo. Niyanig ng grupo ang Araneta Coliseum sa kanilang kakaibang dance number na ikinagulat ng lahat. 

Secret Weapon

Pero ang mas ikinatuwa ng fans ay ang pagpasok ng tinaguriang “Secret Weapon” ng Cong’s Anbelibabol Basketball team na si Yow Andrada. Buong akala ng lahat ay hindi siya kasama sa lineup, kaya naman laking tuwa ng fans nang ipasok si Yow sa 3rd quarter ng laro. 

Hindi rin matawaran ang hiyawan ng fans at buong Team Payaman nang maka-puntos si Yow sa unang pagkakataon. 

Isang malaking rebelasyon din sa mga manonood ang ipinakitang husay sa basketball ng ilang Team Payaman members na sina Nelson Mendoza at Chris Lagudas na napasama sa Mythical 5 matapos ang laban. 

Sa huli, tinanghal namang 1st Runner-Up ng laban ang Cong’s Anbelibabol Basketball.

Kath Regio

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Reveals Honest Progress in Her Postpartum Weight Loss Journey

Ilang buwan matapos manganak sa bunso nilang si Baby Ulap, taas noong sumabak ang Team…

14 hours ago

Burong Macacua Shares Snippets of ‘Sun2Kan sa SkyDome’ Behind-the-Scenes

Masayang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Burong sa kanyang mga manonood ang mga…

3 days ago

Mom Viy Cortez-Velasquez Shares Sweet Bedtime Moments with Kidlat and Tokyo

Isang sweet moment ang ibinahagi ni Mommy Viy Cortez-Velasquez matapos ang kanilang bedtime storytelling. Tunghayan…

4 days ago

TP Kids Takes Its Fun Learning Experience to Schools Across Metro Manila

With the goal of helping more kids enjoy learning, TP Kids is bringing its fun…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Kidlat Share Fun Moments in Recent Food Adventure Episode

Katatawanan at unli food trip ang hatid ng mag-inang Viy Cortez-Velasquez at Zeus Emmanuel Velasquez,…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Holiday-Coded Fit Inspo for Your Next OOTD

We’re just a few weeks away from the holiday season, have you planned your dazzling…

4 days ago

This website uses cookies.