Team Payaman’s Carding Magsino Shares Unwritten Rules for Influencers as Guest Speaker

Ipinasilip ni Carding Magsino sa kanyang bagong YouTube vlog ang paghingi niya ng payo sa ilang Team Payaman Wild Dogs bilang paghahanda sa kauna-unahang pagkakataon na magiging guest speaker ito sa isang seminar.

Naimbitahan si Carding bilang guest speaker sa San Beda College Alabang upang talakayin ang pagiging isang responsableng content creator.

Ang tema ng nasabing seminar ay: “Examine the role and unspoken responsibility of influencers in being advocates for digital information literacy.”

Advice from TP Wild Dogs

Para kay Carding, hindi niya itinuturing ang sarili na “influencer” kundi “content creator.”

Hindi ko kino-consider ang sarili ko na influencer kasi wala naman akong impluwensya. Content creator tayo eh,” ani Carding sa TP Wild Dogs.

Para naman kay Kevin Hufana o Keboy, ang pagbabahagi ng samu’t saring impormasyon sa internet bilang isang content creator ay isang responsibilidad na nangangailangan din ng masusing pag-iingat. 

Dagdag pa ni Kevin Cancamo o Genggeng, bilang isang Communication student, kailangan rin isaisip ni Carding kung paano maging epektibo sa pakikipag-usap sa iba.

Pinakitaan din naman nina Dudut Lang at Burong si Carding ng mga halimbawa kung paano ang mas epektibong paraan ng pananalita sa harap ng estudyanteng madla.

Influencers’ unwritten rule

Sa huli, tagumpay namang naibahagi ni Carding sa kanyang talk ng anim na unspoken rules para sa mga katulad niyang influencer.

Ang una ay “Thou shalt not BONAK” na nagpapaalalang patuloy na magbahagi ng karunungan sa mga followers.

Ikalawa ay ang “Thou shalt not YABANG” na nagpapa-alalang maging mabuting ehemplo sa iba. 

Ikatlo naman ay “Thou shalt not SUPER BONAK” na nagbibigay-diin sa pagiging matalino sa mga nababasa o nalalaman sa internet sa pamamagitan ng kritikal na pag-iisip at pagtatanong.

Ika-apatna tuntunin ay ang pagiging mapagmatyag sa mga pinagmumulan ng impormasyon upang maiwasan magbahagi ng mga pekeng impormasyon o “Thou shalt not EKEP.”

Ika-lima ay ang “Thou shalt not TOXIC” upang masiguro na ang mga binabahagi ay hindi ikasasama ng mga manonood.

Panghuli naman ay “Thou shalt not be LAOS” kung saan nag-iwan siya ng katanungan para sa mga influencers kung ano nga ba ang “legacy” na gusto nilang iwan sa mundo.

Ginawa rin niyang halimbawa ang grupong kanyang kinabibilangan na nagsisilbing inspirasyon sa iba: Ang Team Payaman aniya na patuloy lang na “naghihilahan pataas.”

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

13 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

24 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.