Pat Velasquez-Gaspar Treats Cousin Jasmin To A VIP Laufey Concert Experience

Enero ng taong ito nang opisyal na inanunsyo ng Icelandic-singer songwriter na si Laufey ang kanyang pagbisita sa Pilipinas ngayong Mayo.

Dahil isa ang pinsan ni Pat Velasquez-Gaspar na si Jasmin Cortez sa sumusuporta rito, walang pagdadalawang isip nitong sinurpresa ng VIP Pass experience sa nasabing concert ang kanyang pinsan.

The Surprise

Ilang minuto lang matapos magalak ni Jasmin Cortez sa pagdating ng kanyang iniidolong singer, agad na nakaisip ang kanyang Ate Pat ng isang bonggang surpresa.

“Laufey is in Manila now?” ani Jasmin.

“Ganyan s’ya ka-fan, updated s’ya na nandito ‘yung favorite artist n’ya!” bungad ni Pat.

Kaya naman dinokumento ni Pat sa kanyang bagong vlog ang puspusang paghahanap ng ticket upang makadalo sa kauna-unahang concert ni Laufey sa bansa kasama ang Philharmonic Orchestra.

“Si Jas, hindi s’ya humihiling ng kahit ano sa akin. Kaya ako, kapag may nakikita akong gustong-gusto n’ya, gusto ko talagang ibigay sa kanya” kwento nito.

Napagtanto rin ni Pat na maaaring ang pagkahilig ng pinsan nitong si Jasmin sa mga jazz music ang repleksyon ng kanyang personalidad o pagkatao.

Bago pa man tuluyang makakuha ng VIP tickets, ilang scammers din ang hinarap ni Pat dahil aniya’y talamak na ang mga manloloko lalo na pagdating sa bentahan ng concert tickets.

Bagamat nagkakaubusan na ang tickets, dalawang VIP tickets pa rin ang nakuha ni Pat matapos ang puspusang paghahanap online.

Happy Jasmin, Happy Ate Pat

Upang mas lalong maging masaya ang kanyang surpresa, sinabihan ni Pat si Jasmin na mag-ayos dahil may pupuntahan silang isang birthday party.

Lingid sa kaalam ni Jasmin na sa concert ng kanyang iniidolong singer na si Laufey ang kanilang pupuntahan.

Mula sa pag-aayos ng buhok hanggang sa paghahanap ng kanyang susuotin, hands-on ang kanyang ate Pat sa pagaasikaso kay Jasmin.

Abot tenga ang ngiti ni Jasmin nang mapagtantong concert ng kaniyang idolo ang kanilang pupuntahan.

“Thank you! Happy ako” pasasalamat ni Jasmin.

“Naiiyak ako, parang nahi-heal ‘yung inner child ko,” emosyonal na kwento ni Pat.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

13 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

24 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.