From Ninong Ry to Daddy Ry: A New Chapter Welcoming Baby Rue

Kilala si Ninong Ry sa kaniyang mga cooking content na talaga namang tinatangkilik ng marami. Sa kaniyang bagong YouTube vlog, ipinasilip niya ang bagong yugto sa kaniyang buhay- mula Ninong Ry to Daddy Ry!

Nitong nagdaang May 20, unang ibinahagi ni Ninong Ry ang litrato kasama ang kaniyang asawa at bagong silang na anak na si Baby Rue. 

“Welcome sa mundong ito, Rue! Daddy Ry era starts now!” ani Ninong Ry sa caption sa kaniyang Facebook post. Umani naman ito ng mga pagbati mula sa fans at mga kapwa niya content creators.

From Fear to Joy

Sa simula ng kaniyang vlog, naibahagi niya ang iba’t ibang emosyon sa birth journey ni Baby Rue. Mayroong saya, excitement, ngunit tila may takot din at pag-aalala.

“Actually takot na takot ako… [pero] dapat ‘di ko ipakitang natatakot ako kasi actually natatakot din siya,” ani Ninong Ry.

Sa kabila ng kaba, matagumpay pa ring nairaos ang bawat proseso sa paglabas ng bata at malusog na isinilang si Baby Rue.

Walang katumbas ang sayang ipinakita ni Ninong Ry sa pagsalubong kay Baby Rue lalo na’t napansin nito na kamukha siya ng bata.

“Ikaw nagdala pero kamukha ko,” biro pa nito sa kaniyang asawa.

The Journey of Love and Loss

Sa kalagitnaan ng vlog, inamin niya ang tila lingid sa kaalaman ng karamihan na matagal na nilang sinubukang bumuo ng supling ngunit nakunan ang kaniyang asawa.

“Matagal na kaming nagta-try tapos nakabuo kami,  pero nalaglag din… nakunan kami,” ani Ninong Ry.

Ibinahagi rin  niya naman nang naging coping mechanism nila sa gitna ng pangungulila. 

“Kapag ikaw ay nakunan, may mga bagay kang sinasabi sa sarili mo just to feel better. May sinasabi ka na, ‘ay hindi, umalis lang ‘yan si baby saglit tapos babalik din yan sa’yo.’”

Aniya, lubos silang nasiyahan noong nakabuo sila ulit at sinabing bumalik din ang kanilang anak. 

“Siguro ngayon ay mas handa at [handa] na kami kaya bumalik na siya,” dagdag pa nito.

Ibinahagi rin ni Ninong Ry ang kakaibang pakiramdam ng pagkakaroon ng kung ikukumpara sa iba’t ibang uri ng sining.

“Kunwari magaling ka sa craft… magaling kang magluto… alam mong mayroon kang ability to create. Pero kapag nakabuo ka pala ng tao, mula sa isa pang tao, ta’s alam mo na nag-contribute ka para mabuo ‘yung tao na ‘yun, dugo’t laman mo nasa tao na ‘yun… parang nakaka-[baliw] talaga. Ang hirap paniwalaan na gumawa ka ng tao.”

Sa huli, ibinahagi pa ni Ninong Ry ang iba pang pangyayari sa kanilang kwento. Nagpasalamat din siya sa lahat ng kaniyang taga suporta dahil aniya’y hindi siya makakapunta sa puntong ito kung hindi dahil sa mga taga-subaybay.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
518
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *