Netizens Applaud Viy Cortez’s Witty Clapback to Online Bashers

Hindi pinalampas ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez ang ilang mga netizens na nag-iwan ng mga komentong panlalait sa kanyang mga social media posts. 

Ang paraan naman ng kanyang pagpansin sa online bashers ay ikinatuwa ng kanyang mga taga-suporta.

Viy shuts down bashers

Sa pamamagitan ng green screen filter sa kanyang mga TikTok posts (@viy.cortez), sinagot ng Team Payaman content creator ang apat na bashers na puro negatibong komento ang hatid kay Viy Cortez.

Tila ibinalik ni Viy sa mga nasabing bashers ang komento ng mga ito patungkol sa pagiging mukhang “maasim”, “madumi,” at “mabantot” sa simpleng pagbibitaw ng mga katagang: “Sister, same-same lang.

Matatandaang una nang naging biktima ng samu’t-saring negatibong komento si Viy mula sa social media platform na reddit, ngunit nanatili itong tahimik sa kabila ng mga pambabatikos sa kaniyang pisikal na itsura.

Pero sa kanyang mga bagong TikTok video, isang palaban ngunit masayahing Viy Cortez pa rin ang nasaksikan ng kanyang mga taga-suporta. 

Ayon pa kay Viviys, umabot na sa Facebook ang kanyang mga posts kung saan muli na namang may nag-iwan ng komentong “Si Viy, eh chaka din.”

Sinagot naman ito ng 27-anyos na vlogger at sinabing: “Sister, ang sinasabi ko lang naman, tayong mga magkaka-group dapat nagtutulungan tayo, ‘di ba?” 

‘Wag tayo mag away-away, pare-parehas lang tayo. Team tayo dito,” dagdag pa nito sa kanyang caption.

Netizens react

Ang sagutan naman niyang ito ay umani ng reaksyon ng paghanga mula sa mga netizens na tila ikinatuwa ang kanyang pagiging “palaban.” 

@icia: “Viy ‘pumapalag na’ Cortez HAHAHAHAHA

@philryan: “Lumalaban na si Princess Wow

@graciousmariaa: “We love this version of you!!! We got your back Princess Wow!

Samantala, hindi rin naman siya binigo ng kanyang mga taga-suportang handang dumepensa sa kanyang pisikal na itsura.

@Nieki Finds: “Excuse me lang ha. Ang ganda kaya ni Viy!

Laging tatandaan: Always choose to be kind, especially to those who deserve that kindness.

Alex Buendia

Recent Posts

Team Payaman Embarks on a Spontaneous 24-Hour Puerto Galera Trip

Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …

18 hours ago

Top 5 Tips to Enjoy Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights

This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…

19 hours ago

Kidlat Core: 4 Times Kidlat Effortlessly Broke the Internet

Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…

2 days ago

Netizens Hilariously React to Cong TV and Kidlat’s Clingy Moments

Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares First Playschool Preparations For Kidlat

Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…

3 days ago

Cortez Family Joins “Pagsinta kay Maria” at Sto. Niño de Cebu Parish, Biñan

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…

4 days ago

This website uses cookies.