Cong TV Reveals Anbelibabol’s Basketball’s Secret Weapon for Star Magic All-Star Game

Kung inaakala niyong kasado na ang lahat para sa nalalapit na All Star Games ng Star Magic, nagkakamali kayo!

Isang pasabog ang ibinunyag ng Cong’s Anbelibabol Basketball Team Coach na si Cong TV na ngayo’y usap-usapan online.

Secret Weapon

Sa kanyang bagong vlog, ginulat ni Cong TV ang kanyang mga manonood sa kanyang pasabog para sa nalalapit na Star Magic  All Stars Games sa June 2, 2024.

Dahil puspusan ang paghahanda ng kalaban na Shooting Stars Blue na pinamumunuan ng mga aktor na sina Donny Pangilinan at Ronnie Alonte, hindi naman magpapatalo ang Team Payaman.

Sa kabila ng pagkagalak ng Cong’s Anbelibabol Basketball Team, isang miyembro ang umano’y natagpuang nagtatampo dahil wala ito sa line up.

Gaya n’ya, dumulog din ang taumbayan na maisama si Yow Andrada sa laban ng Team Payaman kontra Shooting Stars Blue.

Agad namang sinuyo ni Coach Cong, kasama sina Dudut Lang at Carding ang nagtatampong kaibigan.

“‘Di kita sinama kasi ayaw nila na may star player na magaling sa loob ng court,” paliwanag ni Cong TV.

Dahil hindi pa rin naiibsan ang lungkot na nararamdaman ni Yow, maya maya pa’y may ibinunyag na pasabog na sikreto ang Coach ng Team Payaman basketball team.

“Sa file na ipinadala ko sa kanila [Star Magic], ‘yung post nila, isinama ko [si Yow]. Kasama ka!” kwento nito.

Funny Reactions

Marami ang natuwa at lalong nagalak sa anunsyo ni Cong TV na pagsama sa kapwa miyembro nitong si Yow sa kanilang line up.

@jasonsantillan3671: “Mukhang kaabang abang ang laban ng Anbilibabol vs. Star Magic Overload, parang may surprise.”

Jesse Owen Martinez: “Legit nga andun si Waldo!”

Arvin Bambico: “Who’s here after watching Cong TV’s vlog? at nakitang andun talaga si Yow sa sulok?”

‘Wag nang palampasin ang pinaka-inaabangang laban ng Cong’s Anbelibabol Basketball Team kontra Shooting Stars Blue. 

Sama-sama tayong sumuporta at manood sa Araneta Coliseum ngayong June 2! Para sa mga nais bumili ng tickets, magtungo lamang sa official website ng TicketNet Philippines. Maari namang manood ang team bahay sa online livestream, bisitahin lang ang official YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment at i-click ang “Join” button. 

Watch the full vlog below:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *