Kilala si Aaron Macacua, a.k.a. Burong, bilang “explorer” ng Team Payaman dahil sa kaniyang “Kaya Mo Ba Burs” YouTube segments.
Pero sa kaniyang bagong YouTube vlog, muli pinabilib ni Burong ang netizens at kapwa Team Payaman Wild Dogs sa kaniyang ipinakitang bagong kakayahan.
Dala ng gutom, bumiyahe ang Team Payaman Wild Dogs para maghanap ng midnight snacks.
“3:56 AM, guys. Inabutan kami ng gutom,” ani Burong.
Ibinahagi ni Burong na nanonood umano siya ng mga bagong techniques at skills na pwede niyang matutunan.
“So ayun, sana natutunan ko sila sa panonood. Dahil ‘yung mga tao sa bahay sanay sa masasarap na pagkain, 4 AM na… ipapakita ko sa inyo… kung ano mabibili natin, gagawin kong pang-5 star na gourmet,” aniya.
Nagkaroon sila ng one-minute challenge sa convenience store para sa pagpili ng mga simpleng pagkain na gagawin namang espesyal na putahe ni Burong.
Sa loob ng isang minuto, iba’t ibang snacks ang ibinahagi ng Team Payaman Wild Dogs tulad ng canned goods at noodles.
Pagbalik sa Congpound, sinimulan na ni Burong ang paghahanda sa pagluto. “Legit, sarap nitong gagawin ko. Ngayon pa lang natatakam na ko sa nai-imagine ko,” wika ni Burong.
“Ganun ang chef, alam namin kung kailan magiging masarap ang luto namin,” dagdag pa niya.
Sa kalagitnaan ng paghahanda, sumipot naman si Dudut Lang, ang kilalang resident chef ng Team Payaman.
“Dudut’s Kitchen ‘to pards, oh. Chef ng Dudut’s Kitchen ‘to,” pagmamalaki ni Steve WIjawickrama.
“Baka mag-quit magluto ‘yan pag natikman [‘to],” biro ni Burong kay Dudut.
Pagkatapos ng pagluluto, inihain na ni Burong ang kaniyang finished product. Hinusgahan naman ito ng Team Payaman members.
Inuna niyang puntahan si Dudut. “Pag ‘di to masarap suntukin mo ‘ko sa mukha,” biro pa niya.
“Masarap po!” iyan ang naging reaksiyon ni Dudut pagkatapos tikman ang putahe.
Sinunod naman niyang puntahan para ipahusga ang kaniyang luto sa iba pang Team Payaman members, kasama si Cong TV. Kinagiliwan din ng Wild Dogs ang “fish-inspired” plating ni Burong.
“Masarap nga! Mukha lang siyang ‘di masarap pero okay naman siya,” pag-amin ni Cong TV.
Muling pinamangha ni Burong ang lahat sa ipinakita niyang kakayahan sa pagluto.
Ano pa kaya ang mga susunod na kaabang-abang niyang content? Tutok lang, mga kapitbahay!
Watch the full vlog below:
Mula sa pagbabahagi ng kanyang “buhay estudyante” sa kanyang mga vlogs at TikTok content, isang…
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
This website uses cookies.