Napuno ng iyakan at tawanan ang kwentuhan sa bagong YouTube vlog ni Pat Velasquez-Gaspar, kung saan binalikan nila ng kanyang mga magulang ang mga alaala noong kabataan nilang magkakapatid.
Matatandaang sa huling vlog ni Pat ay makikitang hirap siyang nagpapaalam sa unico hijo na si Baby Isla bago tumungo sa Thailand para sa bridal shower ni Viy Cortez.
Nabanggit ng kanyang ina na si Jovel Velasquez, a.k.a. Mama Revlon, ang hirap para sa isang ina na mawalay sa kanyang anak habang inaalala ang mga panahon na siya mismo ang nakaranas nito, kaya naman hindi niya napigilan ang maiyak.
“Pang sampung beses ko na yata napanood [ang vlog mo], pero umiiyak pa rin ako,” ani Mama Revlon.
Binalikan ni Mama Revlon at ng kanyang asawang si Marlon Velasquez Sr., a.k.a. Papa Shoutout, ang mga panahon na maliit pa ang kanilang apat na anak at kinailangan din nilang mahiwalay sa mga ito ng ilang buwan hindi lang para magbakasyon, kundi para magtrabaho.
Laking pasalamat naman ni Mama Revlon sa mother-in-law niya na aniya ay talagang kasangga niya sa pag-aalaga sa mga anak noong maliliit pa sila.
“Napakahalaga talaga ng mga lola, ng mga grandparents kung buhay pa sila, [kaya] mahalin n’yo sila,” paalala ni Mama Revlon.
Sangayon din naman ni Pat, kahit may sarili na aniya siyang anak ay hindi maitatanggi na nangangailangan pa rin siya ng kalinga ng isang ina.
Katulad na lamang ng pag-aasikaso pa rin sa kanya ni Mama Revlon mula noong siya ay manganak kay Isla, hanggang ngayon sa kanilang lumalaking mga apo.
“Kahit nanay na ako, I still need a mom,” sabi ni Pat.
Watch the full vlog here:
Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…
Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
This website uses cookies.