Pat Gaspar Defends Boss Keng from Netizen Who Called Him ‘Materialistic’

Matapos ipasilip ng Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar ang surpresa nito para sa asawang si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, hindi napigilan ng mga manonood na mapa “sana all.”

Pero sa kabila ng mga positibong komento, hindi napigilan ni Pat na bigyang linaw ang negatibong opinyon ng isang netizen sa kanyang YouTube video.

The Clap Back

Nitong linggo ay isinama ni Pat Gaspar ang kanyang manonood sa Mother’s Day celebration ng Pamilya Velasquez.

Sa nasabing vlog, ibinahagi rin ng first-time mom ang mga tagpo matapos surpresahin ang mister na si Boss Keng ng kanyang pinapangarap na luxury shawl mula sa Thailand. 

Sa likod ng mga positibong komento, isang negatibong komento ang umagaw ng pansin ni Mrs. Gaspar.

“[Si] Boss Keng materialistic na masyado. Unahin mo anak mo,” komento ng isang viewer.

Hindi nagdalawang isip si Pat na sagutin ang nasabing komento upang bigyang linaw ang intensyon nito sa pagbibigay ng regalo para sa kanyang asawa.

“Wala akong ginagastos kay Isla, lahat si Keng. Gusto n’ya siya lahat sa financial ni Isla. All expenses ni Isla sagot ni Keng. Diaper, gatas, check-up, hospitalization, insurance. LAHAT! Okay lang?” sagot nito.

Sa isang Facebook post, binigyan linaw din ni Pat ang katotohanan sa likod ng regalo kay Boss Keng. Aniya, ang kanyang surpresa ay munting pagbalik lamang sa sakripisyong alay ni Boss Keng sa kanilang pamilya.

“First time ko bilhan yung asawa ko ng mahal na gamit. Laging ako yung binibilhan niya ng branded bag o kaya siya ang sasagot ng travel namin buong pamilya. Lagi siyang ‘ako na’ kahit sasabihin kong hati tayo,” ani Pat.

Dagdag pa nito: “Magugulat ka kung sabihin ko sayong ultimo internet, kuryente, food at bahay namin siya ang nagbabayad kahit kumikita din naman ako ng pera. Tinanong ko siya bakit gusto mo ikaw lahat sabi niya ‘Gusto ko maging responsableng tatay, at kaya ko naman. Hingi ako ng tulong sayo pag hindi ko kaya.’”

Team Payaman to the Rescue

Hindi rin napigilan ng kapwa Team Payaman members ni Pat na pabulaanan ang nasabing komento laban kay Boss Keng.

Viy Cortez: “Pati po pang carwash namin minsan na konek sa tubig nila. Wala reklamo si Boss Keng kaya shatapp kayo! Sa kanila din kami nanghihingi ng itlog sa madaling araw. Kumbaga kahit kapit bahay nila kaya nila bigyan! Anak pa kaya!”

Mau Anlacan: “Pag ‘di nakikita lahat ng nangyayari off cam, quiet na lang po siguro.”

Aki Angulo: “Ang lungkot siguro ng buhay niyan sis kaya nakiki comment na lang ng negative sa buhay ng iba.”

Samantala, isang netizen naman ang nagbahagi ng kanyang payo kay Pat.

Regina Ubales: “You don’t need to explain to them Patpat! Pag walang ambag sa buhay mo, deadma mo na ‘yan. Hehe.”

Sagot naman ni Pat: “‘Pag ako ibash, ijudge keri ko talaga wapakels ako. Pero ‘pag pamilya ko, ‘di ko talaga kaya hindi sumagot.”

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

11 minutes ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

3 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

4 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

5 days ago

This website uses cookies.