What Happens to Team Payaman Boys When Their Girls Are Out?

Matapos lumipad ng Team Payaman Girls papuntang Thailand para sa surprise Bridal Shower ni Viy Cortez, tila nagalak ang ilang TP Boys sa kanilang all-boys bonding sa Congpound.

Ano nga kaya ang kaganapan sa likod ng unang gabi ng wala sa piling ninaBurong, Dudut Lang, at Junnie Boy ang kanilang mga butihing misis at nobya?

All-Boys Bonding

Sa bagong vlog ni Aaron Macacua, a.k.a Burong, ibinahagi nito sa mga manonood na ilang araw mawawala ang Team Payaman Girls para sa bridal shower ni Viviys, kasama na ang fiancé nitong si Aki Angulo.

Matapos ihatid ni Burong ang kanyang nobya sa airport, hindi nito napigilang maging emosyonal.

“Oras na ito para sa sarili ko siguro. Hindi ko alam, hindi ko kaya na wala s’ya [Aki],” ani Burong.

Pag-uwi, agad nitong inaya ang mga kaibigang sina Dudut Lang at Junnie Boy, na ang mga nobya ay lumipad din sa Thailand para sa nasabing bridal shower.

Nagpulong ang tatlo at pinag-isipan ang mga destinasyong kanilang pupuntahan ngayo’y nasa ibang bansa ang kanilang mga asawa’t nobya.

Gimik, pagpapamasahe, road trip sa Tagaytay, Baguio, La Union, at pag-akyat sa Benguet ang ilan sa mga suhestiyon ni Burong.

Maya maya pa ay sumakay na ng sasakyan ang tatlo. Habang minamaneho ni Dudut ang sasakyan ay napagtanto nila kung gaano kahirap itawid  ang isang araw na wala ang kanilang mga minamahal na misis at nobya. 

“Kapag nawawala yung mga girls, parang yung isang araw parang isang taon noh? Sobrang tagal,” ani Burong.

Dagdag naman ni Junnie Boy: “Saka ‘pag wala sila… Kunwari nasa bahay lang, hindi mo sila masyado na-appreciate. Kunwari si Vien naka-daster lang sa bahay, ‘di ko siya na-appreciate masyado, sakto lang. Pero pag wala siya tapos nakita mo naka-sando sa ibang bansa… (gigil).” 

Sa gitna ng paglalakbay ay naisipan ni Junnie Boy na ipagpaliban na lang ang kanilang bonding dala ng pag-aalala nito sa kanyang mga anak.

“Ay magvi-video call pala kami ni Vien kasi si Viela, hindi makatulog ng wala s’ya sa tabi n’ya,” pangamba ni Junnie.

Funny Reactions

Hindi napigilan ng mga manonood na matuwa sa kwelang ngunit epic fail bonding nina Burong, Junnie Boy, at Dudut. 

@macoyskietv7784: “Pinaka memorable na gabe kase lahat ng plano drawing HAHAHA”

@rouiejoshue: “Hahahahaha  bawi next time Burong!”

@michaeldmagpantay4382: “Pwede naman pala ubusin ang oras sa pagtulog ehh, gagala ka pa hahaha”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

4 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

5 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

5 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

6 days ago

This website uses cookies.