Sa pinakabagong YouTube vlog ni Clouie Dims, tampok ang makulay na pagdiriwang ng kapistahan sa Mendez, Cavite kung saan siya’y nakisaya kasama ang long-time partner na si Dudut Lang.
Lumaki sa bayan ng Mendez si Clouie kaya’t malapit sa kaniyang puso ang taunang pista sa nasabing lugar.
“For today’s video ay makikifiesta tayo. So, dadalhin ko kayo… ipapa-experience ko sa inyo kung pa’no ang fiesta sa Mendez!” bungad ni Clouie.
“Ang lugar na ito ay ang lugar kung saan po ako lumaki, nagkamuang, [at] nagka-isip,” dagdag pa niya.
Nagsimula ang pagdiriwang sa isang masiglang parada na pinangunahan ng mga banda at majorettes.
Nag-enjoy din ang mga bata sa character mascots, at tampok ang iba’t-ibang tradisyunal na palaro tulad ng pukpok palayok at iba pang fiesta games na kinagiliwan ng lahat.
Isa ring na-enjoy ng magkasintahan ang larong color game. Sinimulan ito ni Clouie sa pagtaya ng dalawampung piso at labing-lima naman kay Dudut.
Nagtuloy-tuloy ang kanilang laro at sa huli’y nabigyan sila ng libreng sisiw mula sa tagabantay.
“Ayon guys, binabati ko si kuya. Binigyan niya ko ng libreng sisiw,” ani Dudut.
Nagkaroon din ng biglaang singing contest sa kanilang lugar kung saan naging hurado si Dudut. Ang simpleng entablado at maliit na tolda naman ang nagsilbing lugar sa masayang tanghalan.
“Ganyang ganyan po talaga dito sa Mendez, normal day… normal fiesta,” ani Clouie.
Matapos ng singing contest ay humabol pa si Dudut at Clouie sa pagtanghal. Dumating din ang Team Payaman Wild Cat na si Tita Krissy Achino na sumali at nakisaya sa lugar.
Sa huli, naganap naman ang Pantropiko dance showdown para sa mga babae. Pinangunahan naman ni Clouie Dims ang Salamin, Salamin dance challenge para sa mga lalaki.
Sa huli’y inanunsiyo ni Chino ang mga nanalo sa naganap na dance challenge.
Kayo, mga kapitbahay? Paano ninyo ipinagdiriwang ang pista sa inyong lugar? Ano ang mga core memories ninyo tuwing pista? Comment down below at ibahagi ang inyong kwento!
Watch the full vlog below:
‘Team No Sleep’ pero full support! Ganito sinimulan nina Mommy Vien Iligan-Velasquez at ng buong…
The ‘ber’ months are here, and with Christmas just around the corner, it’s never too…
This year, the most anticipated influencer-gathering event of the year goes beyond the borders of…
Matapos ang kanilang masayang all-girls trip sa Bangkok, Thailand, isa sa mga hinangaan ng netizens…
It has been a silent tradition in the Philippines to treat the ‘Ber Months’ as…
Bilang pagdiriwang ng ika-33 kaarawan ni Boss Keng, ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang taos-pusong…
This website uses cookies.