Boss Toyo’s Partner Shares Successful IVF Journey: It’s a Baby Boy!

Walang katumbas na saya ang maging isang ina.”

‘Yan ang sinabi ng nobya ng vlogger at entrepreneur na si Jayson Luzadas, a.k.a. Boss Toyo, na si Mary Jhoy, o mas kilala bilang si “Madam Loves Jhoy,” matapos ang tagumpay sa mahabang karanasan sa in vitro fertilization (IVF) procedure.

Trial and Error

Sa isang Facebook post, nagpahayag si Madam Loves Jhoy ng galak sa kanyang anunsyong sa wakas ay magkakaroon na sila ng mini-Boss Toyo.

Image source: Loves Jhoy Facebook Page

May TOYO Liit na kami ni Boss Toyo!” aniya sa nasabing post kaakibat ang mga larawan mula sa ginanap na gender reveal party. 

Kwento pa ni Jhoy, ilang beses na silang bigong sumubok sa IVF treatment at noong nakaraang taon lamang ay nakunan siya ng kambal na resulta rin sana ng IVF.

Ang in vitro fertilization ay ang pagsasama ng itlog ng babae at semilya ng lalaki, hindi sa loob ng katawan, kundi sa isang laboratoryo.

Ani Jhoy,  hindi lang sa bulsa mabigat ang IVF procedure, kundi pati sa katawan at emosyon ng babaeng nagdadalang-tao.

Laking pasasalamat naman ni Jhoy sa kanyang mga doctor para sa masusing pag-aalaga ng mga ito sa kanya at sa kanilang paparating na anak. 

Kwento naman ng kanyang doktora na si Dra. Eileen Co-Sy ng Co-Sy Fertility Clinic & IVF Center sa isang Facebook post, limang taon na sumusubok ang magkasintahan mula pa noong August 2021. 

Since our investigation showed severe factors (pelvic endometriosis, blocked tubes, increased sperm DNA fragmentation) we knew that their only chance to conceive is by IVF,” saad ni Dra. Co-Sy sa kanyang post.

Image source: Loves Jhoy Facebook Page

Ang mensahe naman ni Jhoy para sa kanyang anak: “Mommy is so excited to see you! I love you with my heart”.

Dagdag pa ni Jhoy, ibabahagi rin niya ang kanilang buong karanasan sa IVF sa pamamagitan ng isang vlog, hindi man ngayon, ngunit sa tamang panahon. 

Alex Buendia

Recent Posts

Get All Your Fandom Needs Printed with Viyline Printing Services

Concerts and fandom meetups are on the rise left and right. Are your collectibles ready?…

3 hours ago

Unbothered Queens: Awra Briguela and Zeinab Harake Respond to Hate Comments

Hindi maitatanggi na labis ang pagmamahal ng mga netizens sa YouTube content creators na sina…

4 hours ago

Meet “BOOM BOOM:” Team Payaman’s Youngest Beyblader

Maalalang nitong Marso ay dumalo ang Team Payaman Wild Dogs sa kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng…

2 days ago

#SachznaBDayBash2025: Sachzna Laparan to Host Free Birthday Concert This May

Isang espesyal na gabi ng musika at selebrasyon ang naghihintay sa mga taga-suporta ng content…

2 days ago

Team Payaman’s Kidlat Embraces Viral TikTok Challenges

Talagang sumisigla ang mundo ng Team Payaman dahil sa presensya ng kanilang mga little members…

2 days ago

Dive into a Fun Learning Experience with the TP Kids Tarantula Book Collection

Now that the school year has ended, learning should never stop, even when kids are…

2 days ago

This website uses cookies.