Ninong Ry Thanks Childhood Bullies That Made Him Strong Against Online Bashers

Isa ka rin ba sa mga milyun-milyong tagahanga ni Ninong Ry? 

Hindi maitatanggi na nakakaaliw panoorin ang mga YouTube videos sa pagluluto ni Ninong Ry. Ngunit sa likod ng kaniyang kwelang cooking videos ay mayroon din palang tinatagong masalimuot na nakaraan. 

Sa nakaraang YouTube interview ni Chinkee Tan, nakapanayam niya si Ryan Morales Reyes, a.k.a Ninong Ry, at pinag-usapan ang kwento nito mula sa simpleng simula hanggang sa paglaban sa mga pagsubok ng buhay.

Bullying Victim

Matapang na namin ni Ninong Ry na isa siyang biktima ng bullying noong kabataan. Aniya malaki ang naging epekto nito sa kaniyang buhay.

“Sige, tanungin naman kita… syempre nag-elementarya ka, nung nag-aaral ka… was there any time na napagsabihan ka o na-bully ka?” tanong ni Chinkee Tan.

Sagot ni Ninong Ry: “Buong buhay ko naman… ito, lagi kong sinasabi na bullied ako. Kasi mataba ako eh.”

“Ito ‘yung weird diyan eh, kapag tinatanong ko ‘yung mga kaklase ko noon, bully raw ako. Pero… hindi ‘yun ‘yung nangyayari sa utak ko. Sa isip ko, bullied ako,” dagdag pa nito.

Binigyang linaw rin niya na siguro’y natatakot lang ang kaniyang mga kaklase dati dahil sa kaniyang taas at laki kaya’t nasasabi nilang bully siya. 

“Siguro natatakot sila sa ‘kin, pero ‘di ko sila binu-bully. Pero binu-bully talaga ako. Kasi mataba ako.”

The Impact of Bullying

Tinanong naman ni Chinkee Tan kung ano ang naging epekto ng bullying sa kaniya.

“Actually, ito, sinasabi ko ‘to sa mga interview ko [dati]. Maraming salamat sa mga naging bully ko, kasi kung hindi ako na-bully dati, baka hindi ko kaya ‘yung mga basher,” aniya.

Nabanggit din ni Ninong Ry na minsan na siyang nakatanggap ng death threat mula sa netizens at iba pang akto ng cyberbullying. May oras daw na gusto niya itong patulan ngunit may naalala siyang pumigil sa kaniya.

“Isang beses, medyo hindi maganda yung lagay ko nun, may nag-PM sa‘kin. Generic lang, generic na pang ba-bash lang… pero siguro punong-puno ako nung araw na yon. Na-bwisit ako,” pagbahagi niya.

“Pinatulan mo?” tanong ni Tan. 

Ayon kay Ninong Ry, hindi niya pinatulan ang basher sapagkat may naalala siyang mas masakit na sinabi sa kaniya dati.

“Sabi sa’kin, ‘alam mo ‘pag ganyan ako kataba, magpapakamatay na lang ako,’ sinabi niya sakin ‘yun and hindi ko talaga nakalimutan yung bagay na ‘yun.” 

“Naalala ko ’yun. Sabi ko ‘Grabe, ganto na pala ko kataba.’ Malaki epekto sa’kin nung sinabi niya na ‘yon. Pero magaling ang Diyos eh, pinakita niya sa‘kin na may benefit pala ‘yung bagay… nagamit ko siya ngayong paglaki ko at iba na yung bagay na hinaharap ko,” dagdag pa niya.

Lessons Learned

Ibinahagi naman niya ang isang bagay na kaniyang napagtanto’t napatunayan niya sa nasabing karanasan.

“Kung meron akong napatunayan na isang bagay, ito ‘yung… yung mga bully mo dati, ‘di sila aware sa ginawa nila sa’yo. Hindi nila alam na nasaktan ka nila. Kasi ‘yung mga bully ko dati nag me-message sa‘kin ngayon na parang wala silang ginawa dati. Hindi ‘yun dahil makapal ang mukha nila. Clueless sila,” ani Ninong Ry.

Dagdag pa niya na hindi alam ng mga bully ang nagiging epekto ng mga sinasabi o ginagawa nila sa isang tao. 

Sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok, nagsilbing aral at inspirasyon kay Ninong Ry ang mga ito at nagamit niya sa pagkamit ng tagumpay.

Watch the full vlog below:


Likes:
0 0
Views:
452
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *