Isa sa mga pinaka-inabangang episode ng longest-running situation-comedy show na Pepito Manaloto ay ang pagbisita ng Team Payaman vlogger-turned-actor na si Yow Andrada.
Alamin ang ilan sa mga nakakatuwang tagpo sa kauna-unahang paglabas ni Yow Andrada sa nasabing GMA 7 sitcom.
Biyernes nang inanunsyo ng Pepito Manaloto sa kanilang Facebook page ang pagbisita ni Yow Andrada sa May 11 episode ng kanilang palabas.
“SHAWRAWT PEPITS! Mayaman sa tawanan dahil makakasama natin si Mr. Yow of Team Payaman!”
Bago pa man i-ere ang nasabing episode, ibinida na rin ng beteranong komedyante na si Michael V. ang pagbisita ni Yow sa kanilang palabas.
“In fairness kay Yow, very PROw. Abangan niyow this Sabadow sa Pepitow Manalotow,” ani Michael V sa isang Facebook post.
Gaya sa tunay na buhay, ang karakter ni Yow ay isang vlogger na may screen name na Boy Epic, a.k.a JR Velasquez, na siyang bagong lipat sa Woodland Hills Subdivision kung saan din nakatira ang pamilya Manaloto.
“Si Idol Pepito Manaloto, kapitbahay ko!” sambit ng karakter ni Yow.
Bilang bagong lipat sa nasabing subdivision, ang kwento ay umiikot sa pagkilala at pagsalubong kay JR Velasquez bilang kanilang bagong kapitbahay.
Solid na katatawanan ang hatid ni Yow sa nasabing guesting sa isa sa mga longest-running sitcom ng GMA-7.
Maraming solid Team Payaman Fans ang natuwa sa paglabas ni Yow sa Pepito Manaloto. Ipinahatid ng mga ito ang kanilang pagbati sa tagumpay ng nasabing TP member.
Jefferson Esquilona: “I-regular n’yo na po si Yow d’yan, Idol Bitoy hahaha!”
Erica Roque: “May work na s’ya eh… So proud of you! Waldo [Yow], artista ka na haha!”
Chi Chi: “May trabaho na si Yow!”
RM Aganan: “Haha! Yow, ibang level ka na!”
Watch the livestream recap below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.