LOOK: Team Payaman Girls Surprise Viy Cortez With a Bridal Shower in Thailand

Isang hindi inaasahang bridal shower ang sumalubong sa soon-to-be bride na si Viy Cortez, handog ng kaniyang mga kapatid, kaibigan, at kapwa vloggers mula sa Team Payaman. 

Matatandaang lumipad patungong Thailand ang 27-anyos na vlogger at entrepreneur para sa kaniyang kauna-unahang international endorsement shoot

Pero lingid sa kaniyang kaalaman ay sumunod pala ang buong Team Payaman girls sa nasabing bansa para isurpresa si future Mrs. Velasquez.

Bridal Shower

Una nang binigyan ng surpresang bridal shower si Viy Cortez ng kaniyang mga high school bestfriends kamakailan lang. 

Ang bridal shower ay ginagawa upang “paulanan” ng mga regalo, wedding tips, at advice ang soon-to-be bride bago ito pumasok sa buhay may asawa. Karaniwan itong hinahanda ng mga kapatid at malalapit na kaibigan ng bride. 

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Viviys ang kasiyahan sa surpresang hatid ng kaniyang mga kaibigan. Hindi aniya nito inakala na sa ibang bansa pa siya magkakaroon ng bridal shower. 

“Hindi ko inakala na ganito ako ka halaga sa inyo para surpresahin dito sa Thailand at mag bridal shower. Ilang beses ako umiyak sa saya! Mahal na mahal ko kayo sobrang sobrang saya ko,” ani Viy Cortez. 

“‘Di nyo alam pano nyo ko napasaya,” dagdag pa nito kaakibat ang video ng nasabing surpresa kung saan kitang-kitang halos maiyak ito sa tuwa nang makita ang mga kaibigan.

All for the love of Viviys

Hindi naman pinalampas ng Team Payaman Wild Cats ang pagkakataon na sabihin kay Viy kung gaano nila ito kamahal, kung kaya talaga namang deserve nito ang isang pangmalakasang bridal shower sa Thailand. 

Tita Krissy Achino: “Success ang plano!!! We love u Sis!!! Sana napasaya ka namin at sana natuwa ka sa Bridal Shower namin for youuu. Mwahhh!!! Walwalan naaa!!!” 

Abigail Campañano-Hermosada: “Love youuuuu sis!! deserve mo yan!”

Biro naman ni Pat Velasquez-Gaspar: “Hirap na hirap kaming magtago dito sa Thailand! Muntik na kaming magpanggap na tindera kung makasalubong ka. Haha”

Samantala, isang madamdaming Facebook post naman ang hatid ng nakatatandang kapatid ni Viy na si Ivy Cortez-Ragos. 

“Imposible… pero ginawang posible para sayo kapatid!” ani Ate Ivy. 

“1st punta namen ni Yiv sa ibang bansa. 1st sakay ng Airplane ay para sayo kapatid! Nung sinabe ng TP girls na Thailand ang bridal shower… napaisip talaga kamiiiii ni Yiv kasi syempre ibang bansa! pero sabe namen… bahala naaaa. Go kamiii para sayo! LOVE kanamen Viy!” dagdag pa nito. 

Nakatakdang ikasal si Viy Cortez sa kaniyang longtime boyfriend at kapwa YouTuber na si Cong TV ngayong taon. 

Abangan ang mga behind-the-scene ng nasabing surprise bridal shower sa Thailand sa YouTube channel ng Team Payaman girls. 

Kath Regio

Recent Posts

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

5 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

6 days ago

This website uses cookies.