Kaya Mo Ba Burs? Burong Challenges Himself to Be a Firefighter For a Day

Sa mga nagdaang episode ng “Kaya Mo Ba Burs,” ipinamalas ni Aaron Macacua, o mas kilala bilang Burong, ang kaniyang determinasyon at tapang sa pagharap sa iba’t-ibang hamon gaya ng pagiging construction worker, basurero, mangangarit, at pet shelter volunteer. 

Muli kaya niyang mapagtatagumpayan ang panibagong pagsubok bilang isang bumbero sa pinakabagong BURSBERO episode ng kaniyang “Kaya Mo Ba Burs” serye? 

Kaya Mo Ba Burs?

Nakasama ni Burong para maging bumbero ang Team Payaman fitness coach na si JM Macariola. Sa tulong ng Bureau of Fire Protection – Bacoor ay dumaan sa mabusising training ang dalawa para maging ganap na firefighter volunteer.

Nagsimula sila sa isang morning exercise bilang bahagi ng kanilang hamon, at saka nila inaral ang iba’t ibang kagamitan ng bumbero na ginagamit sa pagtugon sa mga emergency.  

Nakapanayam din nila ang mga opisyal ng BFP Bacoor kung saan tinalakay nila ang kahalagahan ng pag-iwas sa sunog.  

“Ang tandaan po natin, ang sunog po, wala ‘yang take two. Kaya’t kapag nangyari po ang sunog, that’s it. Kaya’t mahalaga talaga na lagi naming sinasabi sa kanila na mag-ingat palagi,” sabi ni Vincent Verseles, Fire Officer 1 ng BFP Bacoor. 

Natutunan din nila ang tamang pagkilos sa mga masikip na lugar sa oras ng sunog, ang tamang pagsagawa ng first-aid, paggamit ng life safety ropes, pag-aaral ng gamit ng fire truck, at ang firefighter drill. 

Bursbero

Sa pagtatapos ng kanilang training, biglaan nilang hinarap ang isang emergency na may kinalaman sa grass fire na ipinaalam sa emergency hotline ng BFP Bacoor.  

Tinanggap ni Burong ang hamon kasama si Coach JM na sumali sa pagtugon sa insidente. 

“Sa maikling panahon na naging training namin ni JM, dito kailangan naming i-apply effectively ‘yung mga natutunan namin,” ani Burong.  

“Sa mga puntong ito, ‘di ko alam kung ano ang nararamdaman ko. May kaba, takot, at kaunting excitement,” dagdag pa niya.  

Sa kabila ng mga damdaming ito, matapang na hinarap ni Burong ang hamon at matagumpay na naisagawa ang mga hamon ng pagiging bumbero. 

Well done!

Sinabi niya na ang kanilang hamon ay hindi lamang tungkol sa pagsasanay, kun’di sa pag-unawa na may mga tao na handang isakripisyo ang kanilang mga buhay para sa kaligtasan ng iba.  

Sa pagtatapos ng kanyang vlog, nagpasalamat at nagbigay-pugay si Burong sa mga magigiting na bumbero.  

“Kaya sa lahat ng ating magigiting na bumbero na laging handang tumulong sa mga sakuna, magligtas ng buhay at ari-arian, maraming salamat sa inyong serbisyo at sakripisyo.”

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Achieve A Moisturized Skin With Viyline Skincare’s Mestisa Oatmeal Herbal Soap

Now that the weather is getting colder, maintaining well-moisturized skin becomes a challenge, often leaving…

4 days ago

Mommy Viy Cortez-Velasquez Shares Kidlat’s Ultimate Baon Buddy

Dahil back-to-school season na, ibinahagi ni Mommy Viy ang ultimate baon buddy ng panganay niyang…

4 days ago

Netizens React to Kevin and Abigail Hermosada’s Entertaining ‘Weird Cravings Serye’

Marami ang naaliw nang simulan ng mag-asawang Kevin at Abigail Hermosada ang kanilang ‘weird cravings’…

4 days ago

NEW DROP ALERT: Team PYMN Clothing Introduces the Terry Collection

Hot on the heels of their last successful drop, Cong TV’s official clothing line, Team…

4 days ago

Aaron Macacua Finally Joins Team Payaman’s Vietnam Trip After Missing Hong Kong

Matapos hindi makasama sa nakaraang biyahe ng Team Payaman sa Hong Kong, nakabawi si Burong…

4 days ago

Dudut Lang and Kristel Toledo Share Their Love for Animals Through Stray Dog Feeding Activity

Isang makabuluhang feeding activity para sa mga stray dogs ang tampok sa pinakabagong episode ng…

5 days ago

This website uses cookies.