Kaya Mo Ba Burs? Burong Challenges Himself to Be a Firefighter For a Day

Sa mga nagdaang episode ng “Kaya Mo Ba Burs,” ipinamalas ni Aaron Macacua, o mas kilala bilang Burong, ang kaniyang determinasyon at tapang sa pagharap sa iba’t-ibang hamon gaya ng pagiging construction worker, basurero, mangangarit, at pet shelter volunteer. 

Muli kaya niyang mapagtatagumpayan ang panibagong pagsubok bilang isang bumbero sa pinakabagong BURSBERO episode ng kaniyang “Kaya Mo Ba Burs” serye? 

Kaya Mo Ba Burs?

Nakasama ni Burong para maging bumbero ang Team Payaman fitness coach na si JM Macariola. Sa tulong ng Bureau of Fire Protection – Bacoor ay dumaan sa mabusising training ang dalawa para maging ganap na firefighter volunteer.

Nagsimula sila sa isang morning exercise bilang bahagi ng kanilang hamon, at saka nila inaral ang iba’t ibang kagamitan ng bumbero na ginagamit sa pagtugon sa mga emergency.  

Nakapanayam din nila ang mga opisyal ng BFP Bacoor kung saan tinalakay nila ang kahalagahan ng pag-iwas sa sunog.  

“Ang tandaan po natin, ang sunog po, wala ‘yang take two. Kaya’t kapag nangyari po ang sunog, that’s it. Kaya’t mahalaga talaga na lagi naming sinasabi sa kanila na mag-ingat palagi,” sabi ni Vincent Verseles, Fire Officer 1 ng BFP Bacoor. 

Natutunan din nila ang tamang pagkilos sa mga masikip na lugar sa oras ng sunog, ang tamang pagsagawa ng first-aid, paggamit ng life safety ropes, pag-aaral ng gamit ng fire truck, at ang firefighter drill. 

Bursbero

Sa pagtatapos ng kanilang training, biglaan nilang hinarap ang isang emergency na may kinalaman sa grass fire na ipinaalam sa emergency hotline ng BFP Bacoor.  

Tinanggap ni Burong ang hamon kasama si Coach JM na sumali sa pagtugon sa insidente. 

“Sa maikling panahon na naging training namin ni JM, dito kailangan naming i-apply effectively ‘yung mga natutunan namin,” ani Burong.  

“Sa mga puntong ito, ‘di ko alam kung ano ang nararamdaman ko. May kaba, takot, at kaunting excitement,” dagdag pa niya.  

Sa kabila ng mga damdaming ito, matapang na hinarap ni Burong ang hamon at matagumpay na naisagawa ang mga hamon ng pagiging bumbero. 

Well done!

Sinabi niya na ang kanilang hamon ay hindi lamang tungkol sa pagsasanay, kun’di sa pag-unawa na may mga tao na handang isakripisyo ang kanilang mga buhay para sa kaligtasan ng iba.  

Sa pagtatapos ng kanyang vlog, nagpasalamat at nagbigay-pugay si Burong sa mga magigiting na bumbero.  

“Kaya sa lahat ng ating magigiting na bumbero na laging handang tumulong sa mga sakuna, magligtas ng buhay at ari-arian, maraming salamat sa inyong serbisyo at sakripisyo.”

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Two Food Icons, One Dish: Erwan Heussaff and Ninong Ry Modernize Sinigang

Sa isang bagong episode ng ‘Back of the House’ serye ni Ryan Morales Reyes, a.k.a.…

11 minutes ago

Pat Velasquez-Gaspar Reveals Honest Progress in Her Postpartum Weight Loss Journey

Ilang buwan matapos manganak sa bunso nilang si Baby Ulap, taas noong sumabak ang Team…

21 hours ago

Burong Macacua Shares Snippets of ‘Sun2Kan sa SkyDome’ Behind-the-Scenes

Masayang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Burong sa kanyang mga manonood ang mga…

4 days ago

Mom Viy Cortez-Velasquez Shares Sweet Bedtime Moments with Kidlat and Tokyo

Isang sweet moment ang ibinahagi ni Mommy Viy Cortez-Velasquez matapos ang kanilang bedtime storytelling. Tunghayan…

4 days ago

TP Kids Takes Its Fun Learning Experience to Schools Across Metro Manila

With the goal of helping more kids enjoy learning, TP Kids is bringing its fun…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Kidlat Share Fun Moments in Recent Food Adventure Episode

Katatawanan at unli food trip ang hatid ng mag-inang Viy Cortez-Velasquez at Zeus Emmanuel Velasquez,…

5 days ago

This website uses cookies.