Congpound Reality Show: Viy Cortez Attempts Her Version of Team Payaman Reality TV

Kung isa kang solid Team Payaman fan at interesado kang malaman kung ano nga ba ang karaniwang pinagtatalunan ng mga tao sa Congpound, pwes ito ang regalo ni Viy Cortez para sa’yo.

Sinubukan ng 27-anyos na Team Payaman vlogger at entrepreneur na gumawa ng bagong YouTube segment na tinawag niyang “Medyo Reality Show” sa kanyang ikalawang YouTube channel.

Medyo Reality Show

Ang unang bahagi ng reality show ay pinamagatang “Sabog Day” kung saan pinagdiskusyunan ng mga miyembro ng House G ang tila sumabog na linya ng kuryente sa isang banyo.

Paliwanag ni Carmina Marasigan, o mas kilala bilang si Ate Acar, napansin na lang niyang may amoy sunog sa nasabing banyo.

Naandon ako sa loob ng kwarto namin, napansin ko na parang may amoy sunog… Maya-maya, biglang may sumabog,” ani Ate Acar.

Kaya inimbestigahan ni Viy ang mga pangyayari bilang isa sa mga namumuno sa nasabing tahanan.

Iminungkahi rin ng sekretarya ni Viy na si Pat Pabingwit na humingi ng tulong sa mga eksperto kagaya ng kanilang bodyguard na si Kuya Glenn.

 “So kailangan namin ng expert na may alam sa kuryente,” ani Pat.

Subalit umani siya ng sari-saring reaksyon mula sa mga kasama sa bahay sapagkat mali siya ng nirekomendang tao.

Pat, ‘wag ka na bida-bida sa mga kwento. Kung may eviction talaga dito, isa ka sa maraming points,” ani Viy kay Pat.

Sinubukan din ng Team Payaman members na magkaroon ng sariling nomination night, kung saan umani si Pat ng kabuuang 11 points.

Ngunit sa huli, pinakamalaki pa rin ang puntos na natanggap ni Cong TV nang bigyan siya ng 30 points ng kanyang editor na si Ephraim Abarca dahil lagi raw siya nitong isinasama sa negosyong Wheelz on the South (WoTS). 

50 points para kay Bossing [Cong]. Kasi lagi niya akong sinasama sa WoTS. Pero actually kumikita naman ang WoTS eh, kaya minus 20, kaya 30 points,” biro ni Ephraim.

Alamin kung ano nga ba ang sanhi ng nasabing pagsabog sa banyo at abangan ang iba pang mga kaganapan sa Congpound sa sunod na episode ng reality show sa ikalawang YouTube channel ni Viy.

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

8 minutes ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

3 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

4 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

5 days ago

This website uses cookies.