LOOK: Cong TV at Ang Pangarap Niyang Long Hair

Sa kabila ng mainit na panahon, isa sa pagsubok na hinaharap ng Team Payaman headmaster na si Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV, ay ang pagtuloy ng pagpapahaba ng kanyang buhok. 

Ngunit bakit nga ba nagpapahaba ng buhok si Cong TV?

TikTok filter

Matatandaan noong taong 2023, minsan nang sinubukan ni Cong ang isang filter sa TikTok kung saan nakikita ang itsura kapag nagkaroon ng mas mahabang buhok. 

Nilagyan naman niya ang nasabing TikTok post ng simpleng caption na “Tyang” na tumutukoy sa pagkakahawig sa nakababatang kapatid na babae na si Venice Velasquez, o mas kilala sa Team Payaman bilang “Tiyang Venice.”

Sang-ayon naman ang netizens at ang ilan sa komento ay nagsabing nahahawig din siya kay Mayor TV at Ninong Ry. 

“Pambihira. Daming nag tag sa ’kin dito, boss Cong! Akala ko nga, ako!” biro naman ni Mayor TV.

Struggle is real

Sa kaparehong taon ay unang ibinahagi ni Cong sa kanyang TikTok account na sinusubukan na niya magpalago ng buhok. Isa sa kanyang katanungan na siya ring caption ng nasabing post ay “Gaano pa katagal hihintayin?” 

Nararamdaman aniya niyang bagay sa kanya ang long hair habang nakapuyod ito sa likod kaya inip na inip na ito sa paglago ng kanyang buhok. 

Hindi ko pa kasi na-try mag long hair sa buong buhay ko. Long neck, ‘yan! Buong buhay ko, long neck ako,” biro ng 32-anyos na vlogger.

Samantala, nitong Abril naman ay muling nagbahagi si Cong TV ng isang hair update sa kanyang TikTok account. Dito makikita na tila gusto na niyang sukuan ang pangarapna long hair sapagkat aniya ay taliwas ito sa itsurang kanyang inaasahan. 

The real reason

Nabanggit naman ni Cong TV sa vlog ng kanyang nobya na si Viy Cortez na pinamagatang The Unboxing, na isa sa rason ng pagpapahaba niya ng buhok ay ang anak nilang si Zeus Emmanuel Velaquez, a.k.a Kidlat, na hindi rin nila madalas pinapagupitan.

Para may ano, para may ka-long hair si Kidlat,” ani Cong.

Para hindi siya nagtataka kung bakit siya long hair,” dagdag naman ni Viy.

Ngunit ang mahalagang katanungan: Ano nga ba ang nababagay na buhok kay Cong TV para sa nalalapit at pinakaaabangang kasal nila ng nobyang si Viy Cortez? 

Ikaw, kapitbahay? Team long hair o team clean cut para kay Cong? Ibahagi ang inyong mga opinyon sa comment section. 

Alex Buendia

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

13 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.