Daddy Diaries: Here’s How Daddy Cong TV Persuades Kidlat to Brush His Teeth

Nahaharap sa panibagong pagsubok bilang ama ang legendary YouTube vlogger na si Cong TV, ito ay dahil sa tila  kawalan ng interesng anak na si Kidlat sa pagsisipilyo ng ipin. 

Ayon kay Cong, isa sa mga pinagsisisihan niya noong kabataan ay ang katamaran sa pagsisipilyo dahil malaki ang naidulot nito sa kanyang kalusugan at kumpiyansa sa sarili. Kaya naman nais niyang ituwid ang gawaing ito panganay nila ni Viy Cortez. 

Alamin ang naging diskarte ni Daddy Cong upang mahikayat ang anak na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a. Kidlat, na pangalagaan ang kanyang ngipin. 

Oplan Toothbrush for Kidlat

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Cong TV ang napagtanto nito habang siya ay tumatanda bilang ama ni Kidlat.

“Ito ‘yung biggest regret ko nung lumalaki ako, at ‘yun ay ang hindi pagsunod sa magulang ko at partikular na sa hindi pagtu-toothbrush,” kwento ng 32-anyos na vlogger.

Ani Cong, ang kaniyang poor oral hygiene ay nagresulta sa iba’t-ibang problema gaya na lang ng bulok na ipin.

Upang maiwasan ang kaparehong problema sa kaniyang unico hijo, ngayon pa lang ay sinimulan na ni Daddy Cong ang paghikayat sa anak na magsipilyo.

Ngunit tila isang malaking pagsubok ito para kay Daddy Cong dahil laging “ayaw” ang sagot ni Kidlat sa tuwing susubukan nitong sipilyuhan ang anak.

Dahil dito, minabuti na ni Daddy Cong na lagyan ng effort ang kanyang diskarte. Una nitong naisipan na magbihis gorilla na s’yang paboritong karakter ngayon ni Kidlat.

Hindi ito pinalad na mapasunod si Kidlat dahil nakaramdam ito ng takot sa gorilla costume na suot ng kanyang ama.

Pero bukod sa gorilla, isa rin sa mga paboritong karakter ni Kidlat ay si Spiderman, na sya’ng sunod na ginaya ng kanyang Daddy Cong.

Gaya ng inaasahan, naging malapit si Kidlat dito, dahilan upang mas maging madali para kay Daddy Cong na mahikayat ito na magsipilyo.

“Very good!” pagbati ni Cong sa anak.

WOW Reactions

Madami naman ang humanga sa pagsisikap ni Daddy Cong na maturuan ang anak na pangalagaan ang kanyang mga ngipin.

@dluffygaming1914: “Another core memory for Kidlat! Lalaki to ng isang mabuting bata.”

@cuconatparfour665: “Si Cong lang ata yung vlogger na nakaka inspire hindi lang sa pagpapayaman kundi para maging isang mabuting tao/tatay ka din like him.”

@JazzyHorario: “Ang cute ng mga ginagawa ni Cong para kay Kidlat!!!”

@JerwinCordova: “Gagawin talaga lahat ng nanay at Tatay wag lang maranasan ng bata ang naranasan ng mga magulang nya noon! Solid!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

1 day ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

1 day ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

1 day ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

4 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

5 days ago

This website uses cookies.