Alex Gonzaga and Mikee Morada Asses Married Life in a Never-Before-Seen Serious Conversation

Pinasilip ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga-Morada ang kanilang taos-pusong usapang mag-asawa ni Lipa City Councilor Mikee Morada sa kanyang bagong YouTube vlog.

An Honest Conversation

Habang kumakain sa isang restaurant sa Lipa, Batangas, pinag-usapan ng mag-asawa ang mga nangyari sa loob ng apat na taon nilang kasal at walong taon na magkarelasyon.

Ilan sa mga naging paksa nila ay ang isa sa tila malalang pag-aaway kamakailan lang, pati na rin ang naging epekto sa kanila ng pagkawala ng kanilang una sanang supling. 

Ayon kay Alex, isa sa naging reyalisasyon niya bilang asawa ay ang kusang pagmamahal nang buong-buo.  

“Ganon ang pagiging isang asawa, you will love your husband, you will love your wife, kahit dun sa pagkakataon na ayaw mo,“ sabi ni Alex.

Para naman kay Mikee, sila ang nagpapabuo sa isa’t isa lalo’t higit sa kabila ng diperensya ng kanilang propesyon.

You have your own thing; I have my own thing. Ang importante, at the end of the day, we support each other in those fields,” ani Mikee.

Pinagusapan din ng dalawa ang kalakasan at kahinaan ng kanilang relasyon.

Para kay Alex, isa sa kalakasan ng kanilang relasyon ay ang pagiging “humble” sa kabila ng ilang mga pag-aaway. 

We both put our egos down and our pride down. Walang nagmamataas sa atin,” ani Alex.

Sagot naman ni Mikee ay kinakalimutan na niya at hindi masyadong inaalala ang mga away at problema.

When you forgive, you forget. Ikaw, ‘yun ang problema mo. Kahit sobrang tagal na, inaalala mo,” ani Mikee.

Dagdag pa ni Mikee, komunikasyon ang isa sa kailangan nilang pagtuunan bilang mag-asawa. Para sa kaniya, siya ang good listener sa kanilang dalawa habang madaldal naman si Alex.

Kaya nga bagay tayo, listener ka, talkative ako. Oh eh ‘di perfect match,” biro naman ni Alex.

Samantala, sa kanyang YouTube description, nagpasalamat naman si Alex na sa kabila ng lahat ng pagsubok bilang mag-asawa ay patuloy silang ginagabayan ng Maykapal.

Recently, our marriage went through a challenging situation, but by God’s grace, we were able to come out of it stronger and closer. It really depends on how much you and your partner value your marriage. Mahirap pero laging makakaya basta nagmamahalan. Thank you, Lord Jesus, for being the cornerstone of our relationship.

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

21 hours ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

21 hours ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

23 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

24 hours ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

4 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

5 days ago

This website uses cookies.