Viy Cortez Shares Another Motherhood Moment That Every Mother Could Relate to

Muling naka-relate ang netizens, partikular na ang mga nanay, sa panibagong motherhood moment na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez. 

Sa isang Facebook post, ipinakita nito ang larawan kasama ang unico hijo nila ni Cong TV  na si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat. Dito makikita ang mag-ina na mahimbing na natutulog habang si Kidlat naman ay tila ginawang unan at kama ang kaniyang Mommy Viy. 

Relate-much naman ang kapwa mommies ni Viviys na masayang ibinahagi rin ang kani-kanilang “clingy moments” kasama ang kanilang mga anak.

Minsan nanay, madalas unan

Gano ka clingy? Hindi sapat ang katabi lang, dapat ikaw mismo ang unan,” iyan ang pabirong caption ni Viy Cortez sa nasabing Facebook post.

Kwento pa ng 27-anyos na first-time mom, nagpanggap lang siyang tulog sa nasabing larawan dahil sa oras na makita siyang gising ng isang taong gulang na si Kidlat at tiyak na pipilitin siya nitong matulog. 

“Walang galawan dapat hanggang makatulog sya hahahaha kung hindi ka sofa, kama ka,” dagdag pa ni Viviys. 

Bagamat hirap sa kaniyang pwesto sa pagtulog ay hindi ito ininda ni Viy Cortez, bagkus ay ipinagmalaki pa nito ang sayang dulot ng pagiging isang ganap na ina. 

“Ang sarap sarap maging ina… sa lahat ng chapter ng buhay ko, ito talaga pinaka masaya.”

Clingy Moments

Nagbahagi naman ng kani-kanilang clingy moments ang mga kapwa mommies ni Viviys na nakakaranas din ng kaparehong tagpo.

Veronica Beltran Limbo-Ramos: “Same ate viy. Mas nakakatulog agad anak ko kapag nakadikit yung pisngi nya sa pusod ko hehe.. Di q alam kung ano power ng pusod ko at nakakalma sya.”

Sagot naman dito ni Viy: “sa totoo lang pag nakadikit sila satin, tayong mga nanay ang nakakalma nila.”

Payo naman ng isang mommy, sulitin na ang “clingy stage” ng kanilang mga anak dahil tiyak na dadating ang araw na mababawasan ang pagiging malambing ng mga chikiting.

Dagdag pa ni Viviys: “Hilig ko nga mag pic para pag nagbinata sya papakita ko sa kanya. Sabihin ko ganun ganun na lang yun? Paglaki mo ayaw mo na sakin hahahahahha”

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

15 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

18 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

18 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

18 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

3 days ago

This website uses cookies.