Payong mag-asawa ang hatid ng mga magulang ni Vien Iligan-Velasquez sa kanyang bagong YouTube vlog na pinamagatang “Q&A with My Parents.”
Sa isang special anniversary trip sa Davao, ipinagdiwang ng mga magulang ni Vien ang kanilang 33rd wedding anniversary, kasabay ang selebrasyon ng ikalawang taon bilang mag-asawa nina Junnie Boy at Vien.
Ang isang tanong mula sa nasabing Q&A vlog ni Vien ay ano ang sikreto ng kanyang mga magulang para magtagal ang kanilang relasyon.
Ayon sa kanyang ina, importante ang mabilis na pag-uunawaan sa kabila ng ilang mga tampuhan o inisan. Importante rin aniya lalo na sa kanilang edad, na huwag na patagalin ang mga pag-aaway.
“Tanggapin mo nang buong-buo ‘yung isang tao. Hindi na kailangan [pansinin] ‘yung mga ginawa o kung anu-anong pagkakamali.”
Dagdag pa n’ya, kailangan isaisip ng mag-asawa na hindi na sila pwedeng maghiwalay at wala na dapat na maliit na away ang magpapahiwalay sa kanilang pagsasama.
Para naman sa kanyang ama, siguraduhing maresolba ang mga away mag-asawa bago matulog sa gabi.
Importante rin aniya na isaisip ang kanilang mga anak at kung papaano makaka-apekto sa kanila ang bawat desisyon o kinikilos bilang mag-asawa.
“Isasakripisyo mo ‘yung mga bata, hindi pwede ‘yung ganon.”
Nang tanungin naman ni Vien kung anong maipapayo ng kanyang mga magulang na dekada na ang pinagsamahan para sa nagsisimula palang sa buhay mag-asawa. Binigyang-diin naman ng kanyang ama ang kahalagahan ng pagmamahalan, paguunawaan, at open communication sa isa’t isa.
“Pag may problema, sabihin na kaagad. Kung sinong nagkamali, magpakumbaba.”
Isa rin sa binigyang-diin ng kanyang mga magulang ay huwag pairalin ang pride.
“Pag mag-asawa na, wala na ‘yung pride. Isa na lang talaga kayo,” sabi ina ni Vien.
Dagdag din ng kanyang ina, iwasan ang mag-away o magsigawan lalo sa harap ng ibang tao.
Watch the full vlog here:
Isang masayang chikahan at masinsinang makeup session ang hatid ni Michelle Dy kasama ang isa…
Kamakailan lang ay ipinagdiwang ang araw ng mga ina kung saan hindi nagpahuli ang ilang…
Hot, sticky, and sweaty — that’s how the summer season in the Philippines usually feels.…
Our moms, grandmothers, and even those who serve as mother figures in our lives deserve…
Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…
Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw.…
This website uses cookies.