Panibagong masayang hamon na naman ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang latest YouTube upload.
Para sa kauna-unahang Telepathy Challenge serye ni Boss Keng, kasama nito ang misis na si Pat Velasquez-Gaspar at mga kaibigang sina Clouie Dims, Dudut Lang, at Geng Geng.
Ibinahagi ni Boss Keng sa kanyang bagong vlog ang sayang hatid ng kauna-unahang episode ng kanyang Telepathy Challenge.
Ang telepathy ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na malaman ang iniisip ng kanyang kaibigan, kapamilya, o asawa nang walang anumang pag-uusap o bigayan ng kung ano mang senyales.
Tumataginting na P3,000 ang naghihintay para sa pares na mananalo sa Telepathy Challenge ni Boss Keng.
Si Geng Geng ang nagsilbing tagabigay ng tanong sa dalawang Team Payaman power couple na sasabak sa nasabing hamon.
“‘Yung dalawang mag-partner, kailangan parehas sila ng sagot. Kapag parehas sila ng sagot, may 1 point sila. Pataasan lang ‘to,” ani Geng Geng.
Ang mga tanong ay patungkol sa general knowledge gaya ng uri ng hayop, kulay, at mga pagkain, dahilan upang mahasa ang talino ng bawat isa.
Bukod dito, ilan ding nakakatawang mga katanungan tungkol sa dalawang pares ang inihatid ni Geng Geng.
Sa huli, itinanghal na panalo sina Clouie Dims at Dudut Lang at nag-uwi ng papremyong tatlong libong piso.
Inulan naman ng mga nakakatawang reaksyon mula sa mga manonood ni Boss Keng ang kanyang Telepathy Challenge.
@moresseteaban9611: “Go! Go! Boss Keng, laban sa daily vlog shout out po!”
@carlopenaflorida8237: “Nice one Boss Keng!”
@NJDJ1986: “Astig naman ng telepathy challenge na yan! @4:59 grabe ung tawa ni Pat! @8:54 lahat tumawa na!”
Watch the full vlog below:
Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…
Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…
Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…
Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…
Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…
Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…
This website uses cookies.