Tips For Students From Team Payaman College Buddies

Mabilis lang ang paglipas ng taon, ngunit para sa mga estudyante, napakaraming maaaring mangyari sa bawat araw habang nag-aaral.

Isa na sa mga nakakaranas nito ay ang Team Payaman students na sina Kevin Hufana, Mau Anlacan, Yiv Cortez, at Geng Geng.

Payong Estudyante

Pare-parehong nag-aaral sa San Beda College Alabang ang mga nabanggit na estudyante mula sa Team Payaman. Magka-klase sa kursong Communication and Media Studies sina Keboy, Mau, at Geng Geng. Samantalang, Psychology naman ang kurso ni Yiv. 

Irregular student tips

Bilang irregular student, isa sa mga naging hamon kay Yiv ay ang magkaroon ng permanenteng grupo ng mga kaibigan sa paaralan. 

Kahit aniya mahirap sa una, ang payo niya sa mga kagaya niyang irregular student at subukan na lang ang higit ng makakaya upang makisama sa iba at magkaroon ng positibong mindset.  

Isa ring kaakibat ng pagiging irregular student ay ang mahabang oras na break sa pagitan ng mga klase sa isang araw. Binahagi ni Yiv na isang paraan upang sulitin ito ay umuwi na lang muna at tumulong sa pag-aalaga sa kanyang mga pamangkin kagaya ni Kidlat.

Watch the full vlog here:


Be on time

Para naman kay Mau, mainam na siguraduhin na maaga pumapasok sa eskwelahan sa araw-araw. Maganda rin aniya na magkaroon ng kaunting minuto para makabili ng almusal, kaysa dumating nang pahuhuli-huli sa klase.

Dagdag pa n’ya, magandang ugaliin ang pag-upo sa bandang unahan ng classroom upang mas mapakinggan nang maayos ang guro.

Maliban sa pagiging isang active student, isa rin sa binahagi ni Mau na magkaroon ng well-deserved “Gala Time,” kung saan maglalaan pa rin ng oras mag-enjoy kasama ang kaklase, barkada, o pamilya lalo na pagtapos ng exam week. 

Be grateful

Bilang isang millennial student sa mundo ng Gen Z, isa sa mahalagang payo ni Keboy sa kabataan ay huwag isawalang bahala ang oportunidad na makapag-aral at makapagtapos sa tamang oras.

At bilang isa ring working student, isa pa sa mga payo ni Keboy ay tapusin nang maaga ang mga kailangan gawin upang maiwasan ang cramming.

Makikita rin sa kanyang TikTok account ang ilan pang relatable POV skits para sa mga kapwa estudyante.

Avoid distractions

Para naman kay Geng Geng, isa sa pinaka importanteng payo na maibabahagi niya sa mga kapwa estudyante ay ang hindi pagkakaroon ng bisyo.

Aniya napakasimple nitong gawin upang hindi malulong o mapariwara at isa na rin itong paraan upang magpakita ng respeto sa mga magulang.   

Ikaw, ano ang payong estudyante mo? Ibahagi mo na rin ‘yan sa comment section!



Alex Buendia

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Get Real About Being Second-Time Parents

Matapos ang matagal na paghihintay, masayang ibinahagi ng Team Payaman power couple na sina Viy…

3 days ago

Alex Gonzaga Shares a Sneak Peek of Her Dream Home’s Progress

Sa bagong vlog ng social media star at aktres na si Alex Gonzaga-Morada, handog niya…

5 days ago

Summer Outfit Ideas ft. Muyvien Apparel’s Everyday Basics Collection

Let’s be real—summer fashion is a balancing act. You want to look cute, but you…

5 days ago

Team Payaman’s Genggeng Falls for Viy Cortez-Velasquez’s “Pumutok ang Panubigan” Prank

Maalala na binigyan ng Team Payaman vlogger na si Viy-Cortez Velasquez ng latest iPhone ang…

5 days ago

Score Exclusive Deals and Marked-Down Prices At Ivy’s Feminity Payday Sale

Just in time for summer, Viy Cortez-Velasquez and Ivy Cortez-Ragos’ very own clothing line —Ivy’s…

5 days ago

Achieve Fresh and Flawless Summer Skin With Viyline’s BB Loose Powder

The summer season is one of the best opportunities to flaunt your well-loved skin. Have…

6 days ago

This website uses cookies.