Von Ordoña and Carlyn Ocampo Welcome Newest Family Member, Baby Lucas

Matapos ang matagal na paghihintay, sinalubong ng mag-nobyong Von Ordoña at Carlyn Ocampo ang pagdating ng bagong adisyon sa kanilang pamilya.

Alamin ang mga tagpo sa pagsilang ng bagong miyembro ng pamilya ng  Team Ordoña na si Baby Lucas.

Welcome, Baby Lucas!

Sa pinakabagong vlog ng Billionaire Gang member na si Carlyn Ocampo, ipinasilip nito ang ilang kaganapan bago at matapos manganak sa kanyang ikalawang supling.

Sa loob ng walong oras na  pagla-labor ni Carlyn ay kaagapay na nito ang nobyong si Von na hands-on din sa pag-aasikaso sa kanyang mag-ina.

“You can do it. naniniwala ako sa’yo, mommy!” pagbati ni Von.

Ibinahagi ni Carlyn na sa pagdating ng kanilang pangalawang anak, nais niya sanang masubukan na manganak sa pamamagitan ng normal delivery.

“‘Dun lang talaga ako kinabahan [sa anesthesia]. Kasi kapag may epidural na, kahit papano magna-numb ‘yung katawan ko,” kwento nito.

Hindi rin maitago ang kaba ni Von sa sasapitin ng asawa dahil unang beses itong manganganak sa pamamagitan ng normal delivery.

Ibinahagi rin nito ang hirap na dinanas ni Carlyn sa panganganak kung kaya’t tinatayang limang nurse na ang tumulong dito.

Dahil hirap si Carlyn at Baby Lucas, agad itong sumailalim sa emergency Cesarean delivery upang mapanatili ang kaligtasan ng mag-ina.

“Tinanggap ko na kasi, kaysa naman ipag-sapalaran natin ‘yung buhay ni Baby… okay na ‘yun. Parang sige na hiwain n’yo na ako, basta safe na makalabas si Baby Lucas,” ani Carlyn.

Maya-maya pa’y masayang sinalubong nina Carlyn at Von ang kanilang bunso matapos nitong marinig ang kanyang iyak sa kauna-unahang pagkakataon.

“After ng lahat ng pagod na ‘yun, success[ful] na lumabas si Baby Lucas,” buong galak na kwento ng ama.

Congratulatory Messages

Matapos matunghayan ang pagsilang ni Baby Lucas, kaliwa’t kanan ang pagbati ng mga taga-suporta at manonood ng mag-nobyong Carlyn at Von.

@ashleyatambidan: “Ang pogi ni Baby Lucas! Congrats ate Carlyn!”

@rodolforomarate9702: “This is a moment na sobrang nakaka-excite sa isang mg partner, lalo na pag nakita muna ang sarili mong baby. Sobrang big na blessing yan!”

@Ella_artssweet: “Perfect family, ate na si Lakeisha!!! Congratulations Mami Carlyn, keep going! Ingat po!”

@user-en3qo8bu7l: “Congrats ate Carlyn baby Lucas welcome sa YouTube mommy mo and daddy mo sa healthy ka palagi I love you too baby Lucas!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
146
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *