Congpound Reality Show: Yow Andrada Introduces Team Payaman Reality TV

Pinasilip ng Team Payaman content creator na si Yow Andrada sa kanyang bagong YouTube vlog ang unang bahagi ng ala reality show sa Congpound na pinagbibidahan ng mga kapwa niya Team Payaman members.

Mga kaganapan sa House A

Nagsimula ang vlog na pinamagatang “Kuya, napanaginipan kita kagabi” sa isang kapehan na malapit sa Congpound, kung saan tinalakay ng House A members ang iba’t ibang paksa gaya ng kape, pera, kasalan, at gawaing bahay. 

Binahagi naman ni Clouie Dims na kaya sila nasa kapehan noon ay dahil nagkukulang na ang sarili nilang gamit pangtimpla ng kape. Masarap din naman aniya ang pagkain, at aesthetic din ang nasabing lugar. 

Kaya ko naman, kaya kong walang kape sa isang araw. Pero may araw talaga na parang kailangan mo ng kape lalo na kapag may kailangang work na tapusin,” dagdag ni Clouie.

Tinalakay din sa vlog ang nalalapit na kasal ng magnobyong sina Aaron Macacua, a.k.a Burong at Aki Angulo, at kung bakit nalipat ang petsa nito mula June ay naging December.

Pinagtulungan din pagisipan ng House A members kung ano nga ba ang magandang hashtag para sa nalalapit na kasalan. Kumatok naman si Burong sa puso ng mga manonood na tumulong mag-isip at magbigay ng suhestiyon. 

Pinagusapan din ng House A members ang napanalunan ni Steve Wijayawickrama sa P1M sa fitness challenge ni Cong TV.

Hindi naman naubos, napunta sa good, for the better,” ani Steve. 

Dagdag pa ni Steve, tatlong buwan na siyang walang naa-upload na vlog kaya nagsimula rin siyang mag-edit ng ilang video para sa ibang international clients upang makatawid sa pang araw-araw.

Alipin tayo ng salapi eh so we do what we do just to survive,” sabi ni Steve.

Tampok din sa reality show ni Yow ang bagong content material ng House A na si Kuya Ban-Ban na bumida sa tila away-pagsasaing nila ni Dudut Lang

Abangan ang susunod pang bahagi ng Congpound reality show sa YouTube channel ni Yow.

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.