Dudut’s Kitchen Introduces Exciting and Flavorful Sumo Meals

Sa bagong episode ng Dudut’s Kitchen sa YouTube channel ng Team Payaman vlogger na si Dudut Lang, ibinahagi nito ang mga espesyal na recipe ng Sumo meals na kadalasang putahe ng mga Sumo Wrestlers sa Japan.  

Kasama ni Dudut sa nasabing vlog ang nobyang si Clouie Dims na nagsilbing guest at kitchen assistant nito sa bagong cooking episode.

Sumo Meals

“I’ll be preparing Sumo Wrestler… Sumo Meals,” bungad ni Dudut sa kanyang bagong YouTube vlog

“Itong ipi-prepare ko ay usually kinakain ng mga Sumo Wrestlers para sa kanilang diet for their workouts and their competition,” dagdag pa nito. 

Una nilang pinakita ang paghahanda sa paggawa ng Chankonabe, isang Japanese soup na kadalasang kinakain ng mga Sumo Wrestlers.  

Sinunod naman nila ang pagluto ng Stuffed Bell Pepper, Tonkatsu, at Omu Rice. 

Dudut as Sumo Fan

Isa ka rin ba sa may hilig sa Sumo Wrestling katulad ni Dudut Lang?  

Habang ipinapakita ang pagluluto ng Chankonabe at Stuffed Bell Peppers, ikinwento ni Dudut ang pagkahilig niya sa Sumo Wrestling. 

“Kung ‘di niyo natatanong, ako, sobrang fan ako ng Sumo wrestling,” saad ni Dudut.

“[Nagpa] picture siya sa Sumo Wrestler. Grabe, mangiyak-ngiyak talaga. Fan boy talaga,” kwento naman ni Clouie Dims.

“’Pag pinapa-describe mo sa’kin ang Japan, ‘yung iba Samurai, ‘yung iba temples… [ako] Sumo Wrestler yung naiisip ko,” dagdag pa ni Dudut. 

Team Payaman’s Taste Test

Sa paghahain ng Sumo Meal, dumating si Awi Columna ng Team Payaman na siyang naging katuwang ni Dudut sa paghusga ng kanyang niluto. Sumunod naman ang Team Boss Madam at si Burong na tamang-tama sa taste test portion.  

“Grabe, solid,” komento ni Mentos sa Stuffed Bell Pepper. 

“Galing talaga,” pagpuri naman ni Boss Keng. 

Talaga namang pumatok sa panlasa ng TP members ang Sumo Meals ni Dudut.  

Sa pagtatapos ng vlog, nagpasalamat naman si Dudut sa kaniyang mga manonood at sa mga biyayang natanggap. 

“Maraming-maraming salamat sa mga nanood ng video. Thank you, Lord for the gift of friendship na binigay mo sa’kin kasi sobrang saya kong ginagawa ‘tong cooking show na ‘to. Thank you so much for the blessings.” 

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.