TP Out? Kevin and Abigail Hermosada Break Their Silence on Controversial Congpound Exit

“Wala na sa Congpound” Iyan ang titulo ng bagong YouTube vlog ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada, kung saan inamin nito ang katotohanan sa pag-alis nila sa Congpound ng asawang si Abigail Campañano-Hermosada

Ayon sa content creator at Libre band frontman na si Kevin, hindi na sana nila gagawan ng vlog ang nasabing pag-alis dahil wala naman talagang issue sa paglipat nila ng bahay. 

Congpound Issue?

Napagdesisyunan ng mag-asawa na sagutin ang katanungan ng marami dahil sa isang nakakabahalang komento, kung saan nadamay ang kapwa nila Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez

Paglilinaw ni Kevin at Abby, walang katotohanan ang kumakalat na usap-usapan na umalis sila sa Congpound dahil sa pang-iintriga ni Vien. Bagkus ay napaka-supportive anila ni Vien sa kanilang karera at maging sa kanilang buhay mag-asawa.

“Hindi na sana kami mag-eexplain kung walang mga ganon, kasi hindi naman deserve nung tao na ma-bash ng dahil don,” ani Abby. 

At sa tanong kung “pinatalsik” nga ba sila sa Team Payaman, ito ang naging paliwanag ni Kevin:

“Alam niyo naman na hindi ganon ang Team Payaman. Kami mismo ni Abby yung nag-decide kung bakit kami umalis sa Congpound, pero hindi sa Team Payaman. May naganap na pag-uusap at naintindihan nila kami kung bakit kami aalis sa Congpound.”

Matapang din na inamin ni Kevin na isa sa mga dahilan kung bakit sila umalis ay ang budget o hatian sa bayarin sa Content Creator House. 

“Mabigat talaga sa aming mag-asawa yung gastusin, hindi lang sa ambagan sa bahay kundi yung pang araw-araw namin ni Abby.”

New Home

Masaya namang ibinahagi ni Kevin na mayroon na silang sariling espasyo ni Abby upang mas ma-enjoy ang buhay mag-asawa at sumubok bumuo ng pamilya.

Ang nasabing bahay ay malapit din sa headquarters ng pastry business ni Abby na Ti Babi’s Kitchen

“Dito namin bubuuin ni Abby ang aming mga pangarap bilang mag-asawa… Napakaliit pero sapat lang sa aming mag-asawa at kung madagdagan man ng isa ay ready na kami ni Abby,” dagdag pa ni Kevin. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

20 minutes ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

23 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

1 day ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

2 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

2 days ago

This website uses cookies.