Daddy Duties: Boss Keng Cuts Cebu Trip to Attend to Sick Baby Isla

Magkakasamang lumipad papuntang Cebu para sa 2-day gaming festival na Nexus BaiCon 2024 ang Team Payaman Wild Dogs na sina Boss Keng, Junnie Boy, at Burong. Ngunit mas napaaga ang pagbalik ni Boss Keng sa Maynila dahil sa isang emergency. 

Sa ikalawang araw ng Nexus BaiCon, nakatanggap ng mensahe si Boss Keng mula sa kanyang asawang si Pat Velasquez-Gaspar kung saan may litrato ng unico hijo nilang si Isla Patriel, a.k.a Baby Isla na naka-confine sa ospital.

Daddy Duties

Kwento ng 28-anyos na daddy vlogger, una na agad sumagi sa kanyang isip na umuwi sa kanyang pamilya kahit hindi pa tapos ang event. 

Pinakaunang sumagi sa isipan ko talaga ay umuwi dahil kailangan ako ng pamilya ko,” ani Daddy Keng.

Isla, pauwi na si daddy,” mensahe niya para sa anak. 

Sa isang Facebook post noong April 16, masayang ibinahagi naman ni Pat na magaling na ang kanilang anak, kalakip ang mga litrato ng kanilang buong pamilya.

Yay! We’re complete! ‘Di nakatiis ang daddy, umuwi from Cebu kahit may event pa. Thank you Lord! Magaling na ang baby namin,” ani Mrs. Gaspar.

Pinasalamatan naman ni Boss Keng ang buong Tier One Entertainment sa imbitasyon sa Nexus BaiCon 2024, sa manager nilang tumulong sa pag-aasikaso ng pinakamaagang flight pabalik ng Maynila kahit biglaan, at sa mga Cebuano para sa kanilang mainit na pagtanggap sa Team Payaman. 

Netizens reactions

Hindi naman mapigilan ng mga netizens na maka-relate, makisimpatya, at saluduhan si Boss Keng para sa kanyang ginawa.

@rianepadua: “iba talaga kapag anak ang nagkakasakit kahit nasa malayo ka uuwi ka talaga…. Salute Boss Keng.”

@Khareen2018: “SA ORAS NA NAGKAKASAKIT ANG ANAK AT SI MOMMY ANG KASAMA, ASAHAN MO KAILANGAN NYAN NG PARTNER SA TABI KASE MANGHIHINA YAN KAPAG NAKIKITANG NASASAKTAN OR MASAMA PAKIRAMDAM NG BATA. KAYA GOOD JOB BOSS KENG…”

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

11 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.