Ang patuloy na pagtaas ng mainit na temperature sa bansa ang dahilan nang patuloy ring pagtaas ng bilang ng kaso ng mga nakakaranas ng heat stroke.
Habang ang kadalasang tinatamaan ng heat stroke ay mga matatandang 50-taong gulang pataas, pinaalalahanan pa rin ng doctor-vlogger na si Dr. Alvin Francisco ang publiko sa posibilidad na pati ang mga bata ay maaaring tamaan ng nasabing sakit.
Ayon sa Department of Health, ang bilang ng mga kaso ng heat stroke sa Pilipinas ay patuloy na tumataas dala ng matinding init ng panahon. Isa rin ito sa dahilan upang ikansela ang mga klase at sa halip ay mag-online class na lamang.
Matapos pumutok ang balita patungkol sa kaso ng heat stroke ng isang 8-anyos na batang nakaranas ng matinding pananakit ng ulo at kawalan ng malay, nagbahagi ng babala ang resident doctor ng Team Payaman patungkol dito.
Aniya, walang pinagkaiba ang mga sintomas na nararamdaman ng isang may stroke mapa-bata man o matanda, gaya ng pananakit ng ulo, paglalaway, at pagkalito.
Dagdag pa ni Doc Alvin, maaaring pagputok o pagkabara ng ugat ang isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng stroke ng isang tao, na makikita lamang sa tulong ng CT Scan at Magnetic Resonance Imaging (MRI).
Isa rin ang matinding init sa mga posibleng dahilan upang lumaganap ang heat stroke sa katawan ng isang tao.
Upang maiwasan ang heat stroke sa kabataan pati na rin sa mga matatanda, nagbahagi ng ilang payo si Doc Alvin sa kanyang mga manonood.
“Kailangan po mayroon tayong homeostasis o tamang temperatura ng katawan. Bawal sobrang lamig, bawal sobrang init,” bungad nito.
Dagdag pa nito na ugaliing maging mapagmasid sa mga pasyente, at patuloy na pag-inom ng tubig upang maiwasan ang dehydration.
Ibinahagi rin nito ang ilan sa mga senyales na dapat tandaan kung sakaling may kamag-anak o kakilalang tinamaan ng stroke.
“‘Yung F.A.S.T. Ang ibig sabihin po n’yan ay F = facial asymmetry, A = arms o panghihina ng kamay, S = speech, ‘pag hirap magsalita o nabubulol, kapag nakita n’yo po ‘yung F-A-S, T = time to go to the emergency room,” paliwang nito.
Watch the full vlog below:
Naging espesyal ang pinakabagong episode ng DougBrock Radio Podcast nang imbitahan ni Douglas Brocklehurst, a.k.a.…
Sa dami ng ginagawa bilang mga magulang at content creators, mahirap isipin kung saan pa…
Kilala sa kanyang mga humorous vlogs, ngayon ay mas seryosong usapan naman ang hatid ng…
Sa kaniyang pinakabagong vlog, muling ibinahagi ni Abigail Campañano-Hermosada kasama ang kanyang asawa na si…
Bago tuluyang matapos ang kanilang all-girls Vietnam trip, hindi pinalampas ni Clouie Dims na masubukan…
Muling pinaglutuan ng resident cook ng Congpound na si Dudut Lang ang kanyang kapwa Team…
This website uses cookies.