Viy Cortez Looks Back to Life as a Sales Agent; Gives Away Brand New Car to Stranger

Hindi lingid sa kaalaman ng ilan na bago pa maging full-time content creator at negosyante si Viy Cortez ay isa itong ahente na nagbebenta ng mga sasakyan.

Sa kauna-unahang pagkakataon, muling sinariwa ni Viviys ang kanyang pinagmulan at magsilbing tulay para matupad ang pangarap ng isang delivery rider.  

Back to where it started

Sa kanyang bagong  vlog, isinama ng 27-anyos na vlogger ang kanyang mga manonood sa sa pagbabalik nito sa buhay ahente.

Una pa lang ay wala nang paglagyan ang kasiyahan ni Viy na muling maranasan ang trabahong kinagisnan.

“Nakaka-excite ‘yung araw na ‘to dahil gagawin ko lahat, ultimo pagco-commute,” kwento ni Viviys.

Suot ang kanyang uniporme, taas noong nakipagsapalaran si Viy sa matinding sikat ng araw at hirap ng pamamasahe, makarating lang sa Toyota Santa Rosa na kanyang papasukan.

Mula sa morning ceremony, orientation meeting, hanggang sa pakikipag-usap sa mga kliyente, game na game itong ginawa ni Viy bilang isang ganap na ahente. 

Bagamat 2016 pa noong huling nag-ahente ng sasakyan si Viviys, hindi pa rin maipagkakaila na gamay na nito ang mga gawi ng pagbebenta ng sasakyan.

“Kadalasan ang ginagawa ko dati ‘pag wala akong mga prospect, tumatawag ako sa mga nasa contacts ko na pwede kong mabentahan ng mga kotse.”

Bukod sa pagbebenta ng sasakyan ay tumulong din si Viy sa pag-aasikaso ng mga kliyenteng nais ipagawa ang kanilang mga sasakyan.

Maswerteng nakakuha din si Viy ng kliyenteng bumili ng sasakyan mula sa Toyota kung kaya’t masaya nitong inasikaso ang mga ito.

Well-Deserved Car

Habang naghihintay sa susunod na potensyal na kliyente, nakasalamuha ni Viy ang isang delivery rider na kanya lang inaya na silipin ang mga modelo sa loob ng kanilang showroom.

Walang pagdadalawang isip nitong pinagbigyan si Viy dala ng awa na baka matanggal ito sa trabaho bilang bagong ahente. 

“Kuya, baka pwede mo akong tulungan? Wala pa akong nebebenta, baka gusto mong tumingin ng Vios?” pagkukumbinsi ni Viy sa delivery rider na si Kuya Erickson. 

“First day ko kasi ngayon, ito-tour lang kita dun sa Vios para makita nung manager ko na meron akong kliyente. Sige na, kuya!” dagdag pa nito.

Sa gitna ng usapan ay kinukumbinsi ni Viy ang delivery rider na subukang mag-apply ng loan upang mabili ang sasakyan.

“Mapapahiya ako ma’am, kung confident lang ako na makakaya ko [bayaran]. Eh kaso hindi po talaga kaya kasi nga po nag-gagamot po [ang asawa ko],” sagot ni Kuya Erickson.

Walang paglagyan ang galak ng delivery rider nang abutan na ito ni Viy ng susi sa kanyang bagong sasakyan.

Naluluhang sagot naman ni Kuya Erickson: “Nako ma’am, salamat po kung sakali. Malaking tulong po talaga ‘to. Masayang masaya po ako.”

“Sa inyo na po ito [sasakyan]. Sa inyo po talaga ‘yan, kuya. Bigay ko po sa inyo,” ani Viy

Dagdag pa ni Viy Cortez: “At sa pagbabalik ko bilang sales agent, nanumbalik sa akin ang mga sakripisyo ko noon kung paano ko inabot yung mga pangarap ko. Ngayon sobrang saya ng puso ko na nakilala ko si Kuya Erickson at naging tulay ako para matupad naman ang pangarap ng iba.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 day ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

1 day ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

3 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

3 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

3 days ago

This website uses cookies.