Alex Gonzaga-Morada Shares Snippets of Her Dream Home’s Construction

Higit apat na taon matapos ikasal noong 2020, buong galak na inanunsyo ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga ang unti-unting pagbuo ng kanilang sariling bahay ng asawa nitong si si Lipa City Councilor Mikee Morada.

Under Construction

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Alex Gonzaga-Morada ang ilang update sa kanilang ipinapatayong bahay. Ani Alex, ang lupang kinatatayuan ng nasabing tahanan ay regalo ng kanyang biyenan para sa kanilang mag-asawa. 

Dagdag pa ng 36-anyos na celebrity vlogger, naging kaagapay niya ang kanyang Mommy Pinty at Daddy Bonoy upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng sariling bahay.

Ibinahagi rin nito na isa ang pandemya sa nagpabagal ng progreso ng pagbuo ng kanilang tahanan dala ng mga proseso, at mga protokol na kaakibat ng COVID-19.

Laking pasasalamat naman ni Alex kay Architect Bern Reyes at sa interior designer na Hurray Design na tumulong mag-disenyo ng kanilang dream house. 

Bagamat hindi pa tapos ang buong bahay, nilibot na ni Alex ang kanyang mga manonood sa kanilang future home.

Una na nitong ibinida ang entrance, hagdanan, kusina, pati na rin ang kanilang magiging kwarto.

Netizens’ Reactions

Hindi pa man buo ang bahay ay hindi na rin mapigilan ng mga manonood na ipahatid ang kanilang pagbati sa mag-asawang Alex at Mikee.

@kerled6169: “Such a family-friendly home. Happy for Mikee and Alex. Sobrang blessed ni Alex na may super hands-on syang mommy Pinty.”

@roselynespiritu224: “Siguro po dyan po mabubuo ang baby sa sarili nyo pong bahay  Praying po.”

@michaelthochri: “It makes me feel excited again. Na remember ko feeling ko during the construction of our house. .. ganda!!”

@gracejiwook4860: “Ang galing talaga ni Mommy Pinty, very hands on kahit walang sweldo, Very supportive pa rin sila kahit pamilyado na mga anak!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Vien Iligan-Velasquez Shares A Glimpse of TP’s Farm Life Experience

Bukod sa swimming, gymnastics, at paglalaro ng beyblade, isa rin ang pagbisita sa Mavs’ Farm…

4 hours ago

Get All Your Fandom Needs Printed with Viyline Printing Services

Concerts and fandom meetups are on the rise left and right. Are your collectibles ready?…

13 hours ago

Unbothered Queens: Awra Briguela and Zeinab Harake Respond to Hate Comments

Hindi maitatanggi na labis ang pagmamahal ng mga netizens sa YouTube content creators na sina…

14 hours ago

Meet “BOOM BOOM:” Team Payaman’s Youngest Beyblader

Maalalang nitong Marso ay dumalo ang Team Payaman Wild Dogs sa kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng…

2 days ago

#SachznaBDayBash2025: Sachzna Laparan to Host Free Birthday Concert This May

Isang espesyal na gabi ng musika at selebrasyon ang naghihintay sa mga taga-suporta ng content…

2 days ago

Team Payaman’s Kidlat Embraces Viral TikTok Challenges

Talagang sumisigla ang mundo ng Team Payaman dahil sa presensya ng kanilang mga little members…

2 days ago

This website uses cookies.