Boss Keng and Pat Gaspar Bonds Over Biking; Surprises Staff With a New Bike

Isa sa bagong pinagkaka-abalahan ngayon ng ilang miyembro ng Team Payaman ay ang pagbibisikleta bilang parte ng kanilang ehersisyo.

Dahil sa kagustuhang makasama sa nasabing aktibidad ang kanyang asawa at mga kaibigan, may handog na surpresa si Boss Keng para sa mga ito.

Monthsary Gift

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Boss Keng ang pagdiriwang nila ng monthsary ng misis nitong si Pat Velasquez-Gaspar.

Inaya ni Boss Keng ang asawa sa isang simpleng pagbisita sa isang kapihan, at paglilibot sa loob ng subdivision gamit ang bisikleta, na agad namang sinangayunan ni Pat.

“Sige, mag-bike tayo later. Sasamahan kita sa trip mo!” ani Pat.

Ibinida ni Pat ang bisikleta nitong naipundar noon pang naninirahan sila sa Payamansion 2. Aniya, una na itong nahilig sa pagbibiskleta noon pa man.

Matapos ang mahaba-habang pag-iikot, tinapos ng mag-asawang Pat at Keng ang kanilang date sa isang masaya at masarap na hapunan. 

“Love, ang saya! Na-enjoy ko s’ya,” pasasalamat ni Pat sa kanyang mister. 

Surprise Gift

Samantala, sa isa pang vlog, ibinahagi naman ni Boss Keng ang mga tagpo matapos surpresahin ang kaibigan na si Nelson Mendoza, a.k.a Sonny J ng isang bagong bisikleta.

Bago pa man mapansin ni Boss Keng ang kagustuhan nitong magkaroon ng sariling bisikleta, una na itong naghahanap-hanap ng bisikleta na kanyang bibilhin.

“Magkakaroon din ako nito, pero hindi pa ngayon. Ipon muna ako pre,” kwento ni Sonny J. 

Maya maya pa’y sinama ni Boss Keng ang Team Boss Madam upang kumain at tuparin ang sikretong misyon.

Bago pa bumili ng bagong bisikleta, naisipan na ni Boss Keng na regaluhan si Sonny J upang may makasama na ito sa pamamasyal.

“Wala kasi akong kasama magbike, nahihirapan s’ya manghiram. Mabait naman ‘tong tao na ‘to eh!” kwento ni Boss Keng.

Nang makita na ang bisikleta at napagalamang handog ito ni Boss Keng, walang paglagyan ang tuwa ni Sonny J sa natanggap na regalo.

Ani Sonny J: “Naiiyak ako. Thank you, Boss Keng! Hindi na ako manghihiram!” 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

14 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.