Dahil nalalapit na ang Mental Health Awareness sa Mayo, hatid ng resident doctor ng Team Payaman na si Doc Alvin Francisco ang makabuluhang usapan tungkol sa mental health journey ng aktres na si Ellen Adarna-Ramsay.
Sa isang Instagram upload, matapang na inamin ng aktres na si Ellen Adarna-Ramsay ang pinagdadaanan nito noong 2021.
Sa likod ng kanyang masayahing personalidad, ay ang patuloy na paglaban nito sa kanyang mental health condition at ma-diagnose ng anxiety, depression, at post-traumatic stress disorder (PTSD).
Ayon kay 36-anyos na aktres, naranasan niya ito matapos ang sunod-sunod kaganapan sa buhay gaya ng pagpanaw ang kanyang ama, panganganak, at mga relasyong hindi nagtagal.
Nagbigay naman ng kanyang ekspertong opinyon at payo si Doc Alvin Francisco sa nasabing kondisyon sa kanyang pinakabagong YouTube vlog.
Nilinaw ni Doc Alvin na ang mga taong may nararamdaman gaya ng kay Ellen ay hindi kadalasang nada-diagnose o “underdiagnosed” dahil sa hindi pagbisita sa doktor.
Isa isa ding binigyang linaw ni Doc Alvin ang mga maaaring maramdaman kung ikaw ay nakararanas ng iba’t-ibang mental health problems.
“Ang anxiety kadalasan n’yan parang sobra kang takot sa mga incidents or sa mga pangyayari na hindi pa naman talaga nangyayari.”
Kaakibat din aniya ng takot na dala ng anxiety ay ang panlalamig ng kamay, palpitations, at pagkatuyo ng dila.
Para naman sa depresyon, nilinaw n’ya na hindi ito basta-bastang kalungkutan. Ang pagkakaroon ng depresyon ay pagkaramdam ng labis na kalungkutan na nakakaapekto sa araw-araw na pamumuhay.
Ayon kay Doc Alvin, hindi nakatutulong ang pag-iisip sa mga taong mayroong mental health issue, ganun din ang pagbabalewala sa kanilang mga nararamdaman.
Kanyang inabisuhan ang mga manonood na iwasan na ang pagsisi sa mga pasyenteng mayroong mental health problem, bagkus ay tulungan ang mga ito.
Nilinaw din nito na walang kontrol ang mga pasyente sa kanilang mga emosyon at nararamdaman dala ng kakaibang brain chemicals.
“Hindi po ‘yan imagination. Hindi po ‘yan sobrang lungkot lang. Hindi po ‘yan basta bastang emotion,” paliwanag ni Doc Alvin.
Para sa mga nakakaranas na gaya ng pinagdadaanan ni Ellen Adarna, ‘wag matakot humingi ng tulong sa mga sumusunod na tanggapan:
National Center for Mental Health Crisis Hotline
Phone: 1553
09663514518
09086392672
09190571553
09178998727
Strong Mind Foundation
0917-4567429
rolandobcortez@gmail.com
Watch the full vlog below:
The four-month-pregnant Team Payaman power couple, Cong TV and Viy Cortez-Velasquez revealed the gender of…
Sa kabila ng hagupit ng Bagyong Kristine sa bansa, partikular na sa rehiyon ng Bicol,…
Kamakailan lang ay ipinasilip ng mag-asawang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez ang bagong tahanan ng…
To celebrate this year’s 11.11 ultimate sale, VIYLine has prepared deals and discounts that you…
The Team Payaman Fair craze is just around the corner, have you gotten yourselves a…
Bilang selebrasyon ng Halloween, nakiisa ang patuloy na dumadaming chikiting ng Team Payaman sa inihandang…
This website uses cookies.