Team Payaman’s Mentos Takes On a ‘Jeepney Driver For a Day’ Challenge

Nagpakitang gilas ang Team Payaman vlogger na si Michael Magnata, a.k.a. Mentos, sa bagong episode ng Menthoughts sa kanyang YouTube channel. Dito sinubukan niyang maging isang ganap na jeepney driver sa loob ng isang araw at mamasada sa ruta ng Alabang papuntang Baclaran. 

Mentos the Jeepney Driver

Katulong ang jeepney operator na si Sir Joseph, hinamon ni Mentos ang sarili na umabot sa isang libo ang kanyang kikitain sa maghapon na pamamasada.  

Payo naman ni Sir Joseph sa kanya: “Kaya naman po, sipag lang. Tsaka kailangan tiyempo sa kalsada. Hindi basta takbo lang nang takbo.

Para naman kay Mentos, “nakaka-challenge” ang pagiging jeepney driver dahil maliban sa pagmamaneho ng jeep, kaakibat na hamon nito ang pagiging alerto ng buong katawan sa mga kasabayan sa kalsada, pasaherong sumasakay at bumababa, at pagaasikaso ng bayad at panukli.

Ang hirap pala ng trabaho nyo, talagang multitasking,“ ani Mentos.

Para kay Sir Joseph at isa pang jeepney driver na si Boss Joel, bilang primary mode of public transportation sa bansa, obligasyon ng isang jeepney driver na pangalagaan ang mga pasahero para ligtas na makarating sa kanilang pupuntahan at uuwian. 

Ayon din kay Mentos, ang pakiramdam ng ligtas na makapagsakay at makapagbaba ng mga pasahero ang nakapagpawala ng kanyang pagod sa maghapong pasada.

Kung kaya naman, mula sa pagiging simpleng pasahero at ngayon ay nakaranas na magmaneho ng jeep, tumaas ang respeto ni Mentos sa mga jeepney driver at para sa kanya ito ay isang kahanga-hangang trabaho. 

Tumaas ang respect level ko sa mga nagdyi-jeep.”

Mula Casimiro hanggang SM Southmall ay kumita si Mentos ng P850, at kapag nagpagasolina ng tatlong daan ay makakapaguwi pa rin siya ng P550. Nang matapos naman ang araw ay kumita si Mentos ng halos P1,500 kung saan makakapaguwi pa siya ng P700.

Bagamat baguhan, binigyan pa rin ni Joseph si Mentos ng 10 out of 10 rating.

“Hindi biro ‘yung makasabay mo ‘yung mga beterano sa kalsada,” ani Joseph.

Watch the full vlog here:

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

11 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

11 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.