Isa ka rin ba sa mga nakisaya sa ikalawang Team Payaman Fair noong December 2023? Balikan natin ang ilan sa mga hindi malilimutang karanasan ng Team Payaman fans sa mga nagdaang TP Fair sa SMX Convention Center Manila.
Kamakailan lang sa Facebook post ng Team Payaman Fair, hinikayat nito ang mga fans na ibahagi ang kanilang unforgettable TP Fair moments.
Maraming netizens ang nagbahagi ng kanilang di-malilimutang “Kwentong TP Fair,” isa na dito ang single mom na labis ang tuwa nang makitang masaya ang kanyang anak nang makita ang mga iniidolong vlogger.
“Sobrang sarap sa puso as a solo parent na makita mong masaya at natutupad mo mga pangarap ng anak mo, from the smallest dreams to her biggest dreams. Alam ko [medyo] OA pero sobrang fan kasi talaga s’ya ng Team Payaman… Sulit ‘yung pagod sa pagpila n’ya nung nakapagpa-picture at autograph s’ya sa mga idol nya,” ani ng nasabing single mom kaakibat ang larawan ng kanyang anak sa Kalye Payaman.
“Yung nakita lang ang comment sa post ng TP Fair tapos nagkayayaan. Yung nasabayan ng anak ko mga trip ko, and more to come with my lovely friends and our kids. Super nag-enjoy kami. Sulit ang [first time],” dagdag pa ng isang fan na nagpa-picture kasama ang Capinpin Family.
Ibinahagi naman ng isang avid Team Payaman fan ang kanyang naramdaman ng makasalamuha si Cong at iba pang Team Payaman members.
“Sobrang solid n’yo talaga buong Team Payaman. Tapos, nakausap ko pa si bossing Cong TV mga 5-10 mins ata ‘yun. Parang tumigil ikot ng mundo nun, kahit crowded at maingay yung paligid kasi sobrang saya ng mga tao. Ang sarap sa pakiramdam na yung idol ko, nakausap ko at binigyan pa ko ng mga advice about life. Grabe! See you, TP sa mga susunod pa. PAAWER!”, dagdag pang komento ng isang fan.
Ngayong 2024, magbabalik ang TP Fair para sa mas masayang Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights. Pero ano-ano nga ba ang mga dapat nating abangan para sa TP Fair 2024?
Ayon kay VIYLine Marketing and Advertising Manager Karol Louie Mañalac, nagsisimula na ang paghahanda ng TP Fair team at kabilang dito ang pakikipagusap sa mga bagong influencer na dapat abangan sa Team Payaman Fair.
“The public can look forward to a new set of influencers that would be attending the event. So, we have the previous influencers attendees but this time it would be bigger, it would be brighter, because the influencer invitees that we have are also bigger and brighter,” ani Mañalac.
Ibinahagi din ni Mr. Mañalac ang inspirasyon sa tema ng TP Fair 2024 na “The Color of Lights.”
“This time around inisip namin [kung] ano kayang bagong flavor ang pwedeng ibigay sa TP Fair na mas pagagandahin natin, mas papabonggahin, at mas pakukulayin ‘yung event natin,” kwento ni Mañalac.
“Ang goal kasi ng company at ng VIYLine Media Group, is mas mabigyang kulay ‘yung event during December and ito ang magiging event na babalik-balikan ng consumers natin,” dagdag pa nito.
Ang tanong para sa inyo mga kapitbahay, handa na ba kayo para sa Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights? Kita-kits! Tara na po ulit!
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
The summer season is approaching, so your bikinis and summer outfits are probably ready. But…
Sa mundo ng Team Payaman, kabilang ang Team Payaman chikitings sa nagsisilbing “happy pil”’ o…
Matapos ang walong taon ng pagiging mag-nobyo, pormal nang hiningi ni Tonyo Enriquez ang mga…
Kapansin-pansin na talaga namang blooming ang soon-to-be mom of two na si Viy Cortez-Velasquez. Alamin…
Flowers undoubtedly enhance our world with their captivating charm and fragrance. The Philippines, blessed with…
This website uses cookies.