Viy Cortez Walks Down Memory Lane with Cong TV in New YouTube Segment

Inimbita ni Viy Cortez ang nobyong si Cong TV sa kauna-unahang episode ng kanyang bagong YouTube segment na pinamagatang “The Unboxing.”

Sa segment na ito, hatid ng Team Payaman power couple ang pangmalakasang throwback kwentuhan mula sa sari-saring “memory box” na kanilang binuksan at naglalaman ng iba’t ibang kagamitan na may kwento. 

The Unboxing of Memories

Siyam na kategorya ng mga kahon ang pinabuklat ni Viy kay Cong. Ang unang kahon ay tinawag na “Box of the Unboxers” kung saan naglalaman ito ng sari-saring kagamitang pangbukas ng kahon gaya ng gunting, kutsilyo, at iba pa. Pinili naman ni Cong ang bagong biling rolling cutter. 

Ang ikalawang kahon naman ay ang “Context Box” na naglalaman ng mga litrato gaya ng lumang bahay ng Velasquez Family at logo ng Air21 na nagpaalala sa Team Payaman headmaster ng mga karanasan n’ya sa dating bahay at sa unang trabaho.

Lubos naman ang pagpapasalamat ni Cong sa ilang lumang gamit sa ikatlong kahon na “Story Box.” Dito nakita n’ya muli ang lumang gamit na ginamit niya noong nagsisimula palang sa kanyang karera sa vlogging, gaya ng kurtina, iPad mini, at helmet sa lumang motor na si Warsak.

Ang huling kahon naman ay ang “Mystery Box” kung saan pinapili ni Viy si Cong kung kukunin nito ang laman ng kahon kapalit ang pagbabayad ng P15,000. 

Mas maganda yung mystery ‘pag ‘di ko kinuha,” ani Cong bago niya tuluyang pagsisihan nang malaman ang laman nito.  

Isiniwalat naman sa bagong YouTube channel na Viy Cortez 2 na ang nilalaman ng nasabing Mystery Box ay isang tseke na may halagang P100,000.

Umani naman ng mga positibong reaksyon mula sa netizens ang bagong segment ni Viy at sinabing

pakiramdam nila ay nag-mature sila kasama ang mga idolo.

Abangan kung sino pa ang ibang magiging panauhin ni Viy Cortez sa mga susunod na episode ng The Unboxing.

Watch the full vlog here:

viyline.net

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

6 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

9 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

9 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

10 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.