Vienna Iligan Shares Struggles of Being an Irregular College Student; Sparks Inspiration to Fellows

Bukod kay Vien Iligan-Velasquez, active din sa kanyang social media platforms ang nakababata kapatid nitong si Vienna Iligan.

Naghatid ang bunso ng Team Iligan ng inspirasyon sa kapwa nitong mag-aaral matapos ibahagi ang saloobin ng pagiging isang irregular student sa kolehiyo.

Irregular Students’ Reality

Sa isa TikTok video, hindi na napigilan ng VIYLine Skincare Teen ambassadress na si Vienna Iligan na maging emosyonal pagdating sa usaping pag-aaral. 

Bukod sa pagiging isang content creator and affiliate, laman din ng kanyang mga TikTok ang ilan sa mga tagpo ng kanyang buhay sa kolehiyo bilang Medical Technology student.

Sa likod ng masasayang alaalang hatid ng pagiging isang estudyante ay ang reyalidad na dala ng pagiging isang iregular student sa kolehiyo.

Ani Vienna, dapat ay ga-graduate na ito, ngunit kasalukuyan itong nasa ika-tatlong taon sa kolehiyo dahil may ilang subjects pa itong kinakailangang kuhanin sa kanyang bagong eskwelahan. 

“Siguro, ganito talaga kapag irregular student. Siguro, hindi pa para sa akin ‘to.  Hindi pa plano ni Lord ibigay sa akin ‘to,” ani Vienna.

Bagamat nakakaramdam ng pagkahuli sa pag-aaral, hindi pa rin nagpapalamon sa lungkot ang dalaga dahilan upang mas lalong lumakas ang loob nito.

“May iba-iba tayong timeline. Nababaliw na ako, gusto ko nang maka-graduate,” dagdag pa ng bunsong kapatid ni Vien.

Laban Lang!

Hindi naman napigilan ng mga kapwa irregular students ni Vienna na ipahatid ang kanilang payo upang lumaban sa ngalan ng pag-aaral.

Yc10.30: “Laban lang! Delayed din ako kasi irregular [student ako], pero life taught me that [may] iba’t-ibang timeline ang bawat tao. Trust the process!”

“Laban lang!” sagot naman ni Vienna. 

Hjkishbd: “Laban lang tayo mga irregular student, makaka-graduate din tayo!”

Christine Joy Cabatan: “Go sis! Kaya mo ‘yan, [i] love you!” 

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

13 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

24 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.