Junnie Boy Exposes Struggle of Daily Vlogging; Realizes The Essence of Simple Living

Dahil sa walang katapusang hiling ng mga manonood kay Junnie Boy na masundan ang kanyang huling vlog, sagot na nito ang daily dose ng good vibes sa kanyang YouTube channel.

Sa kabila ng sayang hatid ng pagtanggap sa hamon ng daily vlogs ay ang reyalidad sa hirap ng pagiging isang content creator, na kanyang ibinahagi sa pangalawang araw ng kanyang daily vlog serye.

Deytu

Sa kanyang bagong vlog, muling isinama ni Junnie Boy ang mga manonood sa kanilang mga kaganapan sa nagdaang bakasyon sa Claveria, Cagayan.

Simula pa lang ay wala nang paglagyan ang tuwa ng mga kasama ni Junnie nang mapasama ito sa kanyang vlog.

“What’s up mga boy?!” bati ng isa.

Sama-sama itong nanonood sa laro ng Cong’s Anbelibabol Basketball Team kontra sa mga manlalaro ng Sentro Tres ng Claveria, Cagayan. 

Dahil sa hindi inaasahang aksidente sa kanyang balikat, ay pinili na lang ni Junnie Boy na makinood sa laro ng kapwa Team Payaman members.

Daily Vlogging Struggles

Sa kagustuhang makapag-upload ng unang episode ng kanyang daily vlog serye, sinugalan ni Junnie Boy ang pag-eedit at pag-upload kahit pa na hirap itong makasagap ng maayos na internet connection sa nasabing lugar. 

Ibinahagi nito ang hirap na tinahak sa paghahanap ng signal at oras na ginugugol sa paghihintay a pag-upload ng mga video. 

“Babalikan natin to isang oras kasi walang internet sa pinagse-stay-an namin,” kwento Junnie.

Dalawang oras matapos iwan ang laptop sa bahay ng kanyang tiyahin, laking gulat nito nang makitang halos walang usad ang nasabing upload.

“9 percent pa rin! Bulilyaso tayo dito guys. Nangangati na ‘yung utak ko,” dismayadong sabi ni Junnie.

Nakiusap naman ito sa kanyang mga manonood na bigyan siya ng ilan pang oras upang mai-upload ang kanyang DEYLI vlog. 

“Guys, sana pagbigyan n’yo kami guys kasi ito talaga kalaban namin eh. Nagawa naman namin eh, ang kalaban lang talaga ‘yung internet,” paliwanag pa ng nakababatang kapatid ni Cong TV. 

Nang tanungin kung bakit naisip ni Junnie na simulan ang daily vlogs sa probinsya, wala itong pagdadalawang isip na sumagot:

“Akala ko kasi may internet na dito be! Maganda na ‘yung hitsura nung lugar eh. Akala ko, okay na.” 

Sa likod ng hirap ng kawalan ng signal, may napagtanto si Junnie Boy na talagang pumukaw sa kanyang mga manonood.

Aniya, “Kaya alam mo kung bakit napaka-simple ng buhay dito sa probinsya, pre? Dahil sa ganyan, hindi nila kailangan ng mabilis na internet.” 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

This Is How Doc Alvin Achieved His Fitness Goals with Simple Calorie Tracking

Marami sa atin ang nangangarap magkaroon ng healthier lifestyle ngayong 2025, ngunit  hindi alam kung…

7 hours ago

Team Cortez-Velasquez Welcomes Tokyo Athena To The Family

Baby Tokyo Athena is finally here! March 30, 2025, sa ganap na 1:00 ng hapon,…

1 day ago

Achieve Clean Girl Makeup The Vien Iligan-Velasquez Way

Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…

2 days ago

Summer-Ready Shades: Get That Sun-Kissed Glow with Viyline Cosmetics TP Tints

The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…

2 days ago

Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…

3 days ago

Viy Cortez Velasquez Humbly Addresses Concerns About Viyline Skincare ‘Sunshade’

A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…

4 days ago