Junnie Boy Attempts Daily Vlogging in Ilocos-Cagayan Trip

Pahinga muna si Doc J sa pag-abot sa pangarap na maging recording artist, dahil nagbabalik si Junnie Boy bilang isang vlogger… daily vlogger?

Sa bagong YouTube vlog, ibinahagi ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, ang pagsubok niyang maging isang ganap na daily vlogger sa kanilang 4-days Ilocos-Cagayan trip. 

Deyli

Kwento ni Junnie sa bagong vlog, panay reklamo ang nakukuha n’ya mula sa netizens sa kanyang bihirang pag-upload sa YouTube.

Kakainis ka, Junnie. Ilang weeks na naman ba kami maghahantay ng upload mo,” kumento ng isang netizen.

Ano na, napaka tagal mag upload eh. Tanggal na braces mo, ‘di ka pa nakapag-upload,” pabirong dagdag pa ng isa.

Kaya naman hinamon ni Junnie ang kanyang sarili na mag-vlog sa apat na araw na bakasyon sa Cagayan para sa Velasquez Family reunion.

Ayon kay Junnie, ang daily vlogs sa bakasyon ang magsisilbing pagsasanay nila ng kanyang video editor na si Brylle Galamay o mas kilala bilang si Bods.

Hindi naman nagpaawat si Junnie sa pagshoot ng content mula pa lang sa stop-over nila sa Bangui Windmill Farm sa Ilocos Norte at habang bumabyahe sila papuntang Claveria, at ani n’ya ay hanggang sa umuwi sila ng March 25. 

Kailangan araw-araw meron tayong ilalabas,” hamon ni Junnie kay Bods.

Paliwanag ni Junnie, kapag sila ni Bods ang gumawa ng vlog ay maraming pinagdadaanang proseso kaya tumatagal ang pag-upload. Ngunit ngayon, biro ng dalawa ay handa silang mag-upload kahit raw file.

Sige. Daily vlogs ‘yan ah. Lahat ng mangyayari [ibo-vlog],” sabi ni Bods.

“Ginagalit n’yo kami ni Bods. Gusto n’yo nag-a-upload kami. Alam n’yo bang ang sarap sarap magpahinga?” biro naman ni Junnie sa mga manonood.

Doon na nabuo ang daily vlogs “Bo-Ni tandem” o ang Bods-Junnie tandem.

Biro naman ng nakatatandang kapatid ni Junnie na si Cong TV, na dati na rin sumubok sa daily vlogging, “Maraming beses ko na sinabi yan, walang nagkatotoo dyan”.

Bilang paalala, sabi ni Cong sa kapatid: “‘Wag ka magco-commit ah, ‘pag di mo kaya panindigan”.

Subalit, hinikayat naman ni Junnie ang kanyang mga subscribers sa comment section na abangan ang susunod na vlog bilang paliwanag kung bakit nga ba late upload na ang kanyang first video sa nasabing daily vlogs.

Watch the full vlog below:

viyline.net

Recent Posts

Zeinab Harake-Parks and Belle Mariano Take on UP Street Food Eating Challenge

Isang masaya at nakakabusog na vlog collaboration ang hatid ng social media star na si…

22 hours ago

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

4 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

6 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

6 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

6 days ago

This website uses cookies.