Sachzna Opens Up Childhood Trauma in Recent Toni Talks Episode

Disclaimer: This article may contain triggering content on sexual assault and is intended for mature audiences, discretion is advised.

Sa likod ng ganda at nakakatuwang vibe na hatid ng content creator na Sachzna Laparan ay ang masalimuot na nakaraan na nagpatibay ng kanyang pagkatao.

Sa bagong episode ng Toni Talks ng batikang aktres at host na si Toni Gonzaga, matapang na ibinahagi ni Sachzna ang hindi malilimutang karanasan noong kanyang kabataan. 

Family Set Up

Pinaunlakan ng social media personality na si Sachzna Laparan ang imbitasyon ni Toni Gonzaga para sa isang one-on-one interview.

Kwento ni Sachzna, bata pa lang ay kinailangan nang magtrabaho ng kanyang ina sa ibang bansa upang matugunan ang kanyang pangangailangan. 

Bukod sa kanyang ina, isa rin sa mga sumuporta kay Sachzna ay ang bagong kinakasama ng kanyang ina, na s’ya ring tumulong upang makapagtapos ito ng pag-aaral.

“Grateful ako, ito pala pakiramdam ng may tatay,” pasasalamat ni Sachzna. 

Hindi naman nagkulang ang kanyang Lolo at Lola na s’yang naging kaagapay ng kanyang ina sa pagpapalaki kay Sachzna.

Traumatic Childhood

Dahil kailangan mag trabaho sa ibang bansa ng kanyang ina, nanirahan si Sachzna sa tahanan ng kanyang lolo’t lola. Ngunit hindi naging madali ang mga pinagdaanan ni Sachzna habang malayo sa kanyang ina.

Nagsimula ang mapait na karanasan ni Sachzna matapos kupkupin ng kanyang lolo’t lola ang isa sa kanilang malayong kamag-anak noong sya’y limang taong gulang pa lamang.

Ani Sachzna, hindi nagkulang ang kanyang lolo’t lola sa pag-kupkop sa kanilang kamag-anak na kanila ring pinag-aral, at binihisan. Sa kabila nito ay nakaranas pa rin ang batang Sachzna ng pang aabuso sa nasabing kapamilya.

“Maraming beses kasing nagagawa eh. Andon ‘yung paghawak eh, paghipo sa private parts ko,” kwento nito.

Isa sa mga kinatakot ni Sachzna noong mga panahong ‘yon ay ang pagbabanta ng nasabing kamag-anak na sasaktan ang kanyang ina, lolo, at lola sa oras na magsusumbong ito sa mga pang aabusong ginagawa.

“Eh sila lang mayroon ako n’un. Tapos may pinapakita siyang mga kutsilyo, so lalo akong natakot,” aniya.

Dalawang taon matapos ang hindi malilimutang karanasan ni Sachzna ay hindi na ito nagdalawang isip na ikwento sa kanyang pamilya ang masilimuot na pinagdaanan.

“‘Dun lang ako nagkaroon ng lakas ng loob kasi may kakampi na ako” naluha nitong sabi.

Sa ngayon, baon-baon ni Sachzna ang mapait na nakaraan na s’yang humulma at bumubuo sa kanyang pagkatao.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Wows Netizens With IG-Worthy BKK Snaps

Matapos ang kanilang masayang all-girls trip sa Bangkok, Thailand, isa sa mga hinangaan ng netizens…

3 days ago

Stay Fresh this ‘Ber Months’ with SNAKE Brand by Viyline

It has been a silent tradition in the Philippines to treat the ‘Ber Months’ as…

3 days ago

Boss Keng Receives Heartwarming Greetings on His 33rd Birthday

Bilang pagdiriwang ng ika-33 kaarawan ni Boss Keng, ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang taos-pusong…

5 days ago

Yiv Cortez Expands Business with the Launch of ‘Charms by Yiva’ Bracelet Line

From delicious homemade lasagna and sweet desserts, Yiv Cortez is now expanding her brand, YIVA,…

5 days ago

Ulap Patriel Marks 6th Month Milestone with Moana-Inspired Photoshoot

Muling kinagiliwan ng netizens ang Team Payaman siblings na sina Baby Ulap at Kuya Isla…

5 days ago

Top 3 Viyline Cosmetics Products You Need This ‘Ber’ Season

Now that it’s finally the ‘ber’ season, it only means the holidays are fast approaching,…

5 days ago

This website uses cookies.