Viy Cortez Surprised Cong TV with an Ultimate Valentine’s Day Gift

Kakaibang Valentine’s Day treat ang hatid ng Team Payaman power couple na sina Cong TV at Viy Cortez, matapos surpresahin ni Viviys ang kanyang soon-to-be husband ng isang hindi malilimutang dinner date.

Alamin ang mga naging paghahanda ni Viviys para sa kanilang huling Valentine’s Day celebration bilang mag-nobyo.

The Preparation

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Viy Cortez ang mga naging tagpo sa Valentine’s Day celebration nito kasama ang fiance na si Cong TV.

Isang araw bago ang Araw ng mga Puso ay kinuntsaba na nito ang executive assistant na si Patricia Pabingwit, at mga editor na sina Carlo at Gabby Santos para sa kanyang surpresa.

Sa una ay inaasar pa nito si Cong dahi wala pa aniya siyang natatanggap na anumang regalo mula sa kanyang partner.

The Surprise

Napagtanto ni Viy Cortez na oras na para bumawi sa kanyang fiancé sa pamamagitan ng isang tahimik ngunit romantikong dinner date.

“Ang ganda nung set-up mo kaysa do’n sa naiisip ko. I feel so special boy!” reaksyon ni Cong nang makita ang inihandang  dinner date set-up.

Sagot ni Viy: “Love, special ka talaga! Hindi mo ba alam na special ka sa akin?”

Matapos ng kwentuhan ay inaya ni Viy si Cong sa isang slow dance upang lalong maging romantic ang kanilang Valentine’s Day date. 

Ngunit maya-maya pa ay bumulaga sa likod ng set-up ang paboritong banda ni Cong na Silent Sanctuary.

The Reaction

Abot tenga ang ngiti ni Cong nang tuluyan nang makita ang kanyang mga iniidolo habang kinakanta ang hit song na “14.”

Hindi rin napigilan ng dalawa na mapakanta at mapasayaw kasabay ng tugtuging handog ng nasabing banda.

Naikwento rin ni Cong na noon ay gumagawa pa ito ng ilang music video gamit ang all-time hit song ng Silent Sanctuary na “Rebound.”

Napatalon na lang ang Team Payaman head nang simulan nang tugtugin ng banda ang kantang “Kundiman” na isa rin sa mga paborito niya.

Hindi rin nito pinalampas ang pagkakataong maka-jamming ang Silent Sanctuary sa isang pasada ng kantang “Rebound”

Sa huli, labis ang naging pasasalamat ni Cong sa banda, at syempre, sa kanyang soon-to-be-wife sa handog nitong surpresa.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.