Congpound Prank Wars is On: Boss Keng vs. Dudut Lang

Mayroon na bang Team Payaman Wild Dogs na tagumpay na nakapaghiganti sa mga pranks ni Kuryente Keng?

Sa kanyang bagong YouTube vlog, ibinahagi ni Dudut Lang ang pagtatangka niyang maghiganti sa mga nakaraang pranks ni Boss Keng sa pamamagitan ng isang “Team Payaman Patalinuhan Challenge.”

Kuryente Keng Supremacy

Bago ang lahat, sino nga ba si Kuryente Keng?

Unang nakilala si Kuryente Keng noong nakaraang Team Payaman Fair kung saan nagkunwari siyang manghihingi ng autograph sa bawat TP members gamit ang ballpen na may taglay palang kuryente kapag pinindot.

Matapos noon ay sunod sunod na ang naging kuryente prank series ni Boss Keng kaya binansagan siya ng bagong prankster name bilang “Kuryente Keng.” 

Isa si Dudut sa mga madalas nabibiktima ng kuryente prank at iba pang kalokohan ni Boss Keng sa Congpound tulad na lang ng chichaworm at toyo sa kape pranks.

Dudut’s Epic Revenge

Kaya naman nag-isip si Dudut Lang ng plano upang maghiganti kay Boss Keng sa pamamagitan ng kunwaring “Team Payaman Patalinuhan Challenge.”

Tapos na ‘yung araw na hahayaan ko na lang si Boss Keng ang maghari dito,” ani Dudut.

Sa tulong ni Burong, nag kunwari ang mga ito na para sa vlog ang challenge kung saan balak nilang dayain si Keng sa mga Math questions. 

Libreng kain sa kahit anong gustong restaurant sa Bonifacio Global City ang premyo ng mananalo at babatuhin naman ng lobong may laman na tubig ang parusa sa matatalo. Ngunit kapag natalo si Boss Keng ay babatuhin sana siya ng lobo na may lamang suka imbes na tubig. 

Ngunit sa huli, hindi nagwagi ang prank sapagkat natalo pa rin ni Keng si Dudut sa sariling palaro at nagkabatuhan na lang ang TP boys ng lobong may laman ng tubig at suka. 

Ito ang paghihiganti ko sa’yo. Hindi lang kita matalo kasi nakalimutan ko ‘yung mga sagot sa tanong,” sabi ni Dudut.

Kahit medyo pumalya ang kanyang plano, nag-iwan naman ng mensahe si Dudut para kay Boss Keng: “Hindi lang naman ako ‘yung tuma-target sa’yo dito, lahat kami, Boss Keng. So ‘yung first attempt namin, sablay. Meron pang mga babawi sayo, Boss Keng!” 

Revenge to the Revenge

Hindi rin naman nagpahuli si Boss Keng sa agarang paghihiganti kay Dudut Lang sa pamamagitan ng isang Camping Prank.

Ang usapang midnight pares lang sana ay nauwi camping trip na sa Tanay, Rizal nang walang kaalam alam at walang dalang damit si Dudut.

Hindi ko deserve ‘to,” problemadong sambit ni Dudut habang nagmamakaawa na ibaba na lang siya sa kalsada upang makauwi sa Congpound.

Ang huling wika ni Boss Keng sa kanya: “Simula nung binastos mo ‘ko sa harapan ng bahay ko, wala nang respe-respeto. Ang gera ay gera. Tandaan mo ‘yan.” 

Abangan kung ano pa ang sunod na paghihiganti ni Dudut Lang at iba pang Team Payaman Wild Dogs kay Kuryente Keng.

viyline.net

Recent Posts

Team Cortez-Velasquez Welcomes Tokyo Athena To The Family

Baby Tokyo Athena is finally here! March 30, 2025, sa ganap na 1:00 ng hapon,…

13 hours ago

Achieve Clean Girl Makeup The Vien Iligan-Velasquez Way

Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…

2 days ago

Summer-Ready Shades: Get That Sun-Kissed Glow with Viyline Cosmetics TP Tints

The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…

2 days ago

Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…

3 days ago

Viy Cortez Velasquez Humbly Addresses Concerns About Viyline Skincare ‘Sunshade’

A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

4 days ago

This website uses cookies.