Meet Agabus Maza: The Newest Addition to Top Notch Team Payaman Editors

Kung isa kang solid Team Payaman fan, malamang isa ka rin sa mga kinikilig sa namumuong love team na Pat-Aga na binubuo nina Patricia Pabingwit (executive assistant ni Viy Cortez) at  Agabus Maza (videographer at editor ni Cong TV). 

Pero bago usisain ang estado ng Pat-Aga, samahan ang VIYLine Media Group (VMG) upang lubos na makilala ang pinakabagong kasangga ni Cong TV sa pag-eedit ng kanyang pangmalakasang YouTube vlogs.

Who is Agabus?

Si Agabus Maza o mas kilala bilang “Aga,” ay isa sa mga bagong adisyon sa mga mahuhusay na video editors ng Team Payaman.

Kaliwa’t kanan ang paglitaw ni Agabus sa mga vlogs ng kanyang bossing na si Cong TV, dahilan upang maging interisado ang mga manonood kung sino ba talaga ito. 

Bago pa man magsimula ang kanyang karera sa pagiging video editor ng isa sa tinitingalang vlogger sa bansa, isa nang ganap na direktor, photographer, at videographer si Agabus. 

“Nag start ako sa career na ‘to since 2018. Assistant palang po ako that time, taga buhat/set up ng mga gamit ng videographers at photographers,” kwento ni Aga sa VIYLine Media Group.

“Habang assistant ako, utay utay ko na inaaral ‘to kasi gusto ko rin maging videograhper balang araw. Hanggang sa kaka-aral ko ayun nag tuloy tuloy na po, napamahal na ‘ko sa ginagawa ko,” dagdag nito.

Nagsisilbing online portfolio ni Aga ang kanyang Instagram account na naglalaman ng kanyang mga obra, gaya ng award-winning piece na “Taong Grasya” tampok ang kapwa Team Payaman members na sina Geng Geng, Mau Anlacan, at Kevin Hufana. 

Pero bago pa tuluyang maging isang videographer, marami na aniya siyang nasubukang trabaho. 

“Lahat ng marangal na pwedeng pagkakitaan, pinapasukan ko,” pagbabahagi ni Agabus. 

Nang mabigyan ng pagkakataon na maka-trabaho ang legendary content creator na si Cong TV, hindi ito nagdalawang isip na tanggapin ang oportunidad.

“Isa ako sa humahanga sa paglikha ng mga vlogs ni Bossing and I’m deeply passionate about creating compelling visual stories. Kaya hindi ako nag dalawang isip na mag yes kila Bossing.” 

Agabus as a Son

Lingid sa kaalaman ng ilan na si Agabus ay anak ng ninang at tagapag-alaga ni Kidlat na si Carmina Marasigan, a.k.a Ate Acar.

Dahil parehong nagsisilbi ang mag-ina sa pamilya nina Cong TV, kapansin-pansin ang bonding nila sa harap at likod ng camera. Kwento pa ni Aga mas napalapit ito sa kanyang ina sa kanilang pananatili sa Congpound.

“Yung relationship po namin ni mama sa Congpound is parang mag tropa lang. Kasi dati palang napapag-kamalan kaming mag kapatid or mag tropa lang dahil po sobrang close kami.”

“Kaya po sobrang grateful ako nung nagkaroon po ng opportunity na mag work kay bossing and makasama si mama.” 

Samantala, nang tanungin naman ang kanyang komento sa patuloy na pag-usbong ng namumuong on-screen love team nila ni Patricia Pabingwit, tila kinilig ang pambato ng Team Payaman. 

“‘Di ko alam sasabihin ko hahahaha, pero totoong totoo na talaga ‘to!”

Manatiling nakatutok sa VIYLine Media Group para sa iba pang latest update sa Team Payaman!

Likes:
0 0
Views:
2172
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

All Comments

  • PaLage ako naghihintay ng mga vlog nang TP LaLo na ang PatAga 🥰

    Rizalyn Patalud March 15, 2024 6:02 pm Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *