5 Times Vien Iligan-Velasquez Throws the Best Response to Toxic Comments

Hindi lang pala Team Payaman ang ibig sabihin ng TP, dahil minsan, pwede rin itong maging short for “Team Palaban!” 

‘Yan ang pinatunayan ng TP Wildcats member na si Vien Iligan-Velasquez sa tuwing sumasagot siya sa ilang toxic comments ng netizens sa kanyang social media posts.

Her face, her choice

Sa isang Instagram post kamakailan lang, ibinahagi ng 27-anyos na vlogger ang kanyang kauna-unahang Get Ready With Me video matapos ang kanyang Rhinoplasty at Chin Augmentation procedure.

Kahit inaasahan na ang ilang negatibong kumento, naging palaban ngunit classy pa rin si Mommy Vien sa pagsagot sa mga nagsasabing hindi bagay sa kanya ang ipinagawang ilong.

Ay ate kilabutan ka,” sagot ni Vien sa isang netizen.

Para naman sa mga taong atat na makita ang final result kahit namamaga pa ang kanyang bagong operang ilong, ito ang naging pahayag ni Vien: “Kung ‘di mo alam ang swollen. Search mo.” 

No to body-shaming

Kahit noong taong 2021 pa lang ay hindi na bago kay Vien ang mga negatibong kumento sa social media, lalo’t higit sa kanyang petite na katawan.

Minsan ay natsambahan n’ya ang isang kumento sa kanyang bagong palit na Facebook profile picture na nagsabing “kawawa” dahil “walang makapitan” ang kanyang suot na tube top. 

Agad naman itong sinagot ni Vien ng: “Mas kawawa [ang] mukha mo” na agad namang umani ng 2.6k laugh reactions.

Sa sobrang hiya ng netizen ay binura n’ya ang nasabing kumento na ginatungan pa ni Vien ng “Delete comment siya eh. Body shaming pa mga totoy.” 

Mother knows best

Kahit sa pagiging ina sa panganay na si Mavi ay hindi nakalagpas si Vien sa pambabash ng ilang netizens. 

Noong minsan ay nag-post siya ng video sa kanyang TikTok account, kung saan may hawak siyang sinturon na naka-abang kunwari sa anak na naglilinis ng laruang naka-kalat.

Ikaw nagkalat, ikaw din dapat maglinis,” caption nito.

Paliwanag ni Vien: “Lumalaki na po si Mavi kailangan niya na matuto, at maglinis ng sarili niyang kalat. Disiplina ko po yan sa kanya.”

Aprub naman ito sa karamihan ng kapwa n’yang nanay na nagsasabing “No need to explain po. Every Filipino family pinagdaanan ‘yan.” 

Solid friendship

Samantala, sa kasagsagan ng pagsikat ng Team Payaman madalas nang pinaghihinalaan ng ilang netizens ang pagkakaibigan ng Team Payaman girls o mas kilala bilang TP Wildcats. Agad namang pinabulaanan ng TP girls ang mga haka-haka sa pangunguna ni Vien.  

Isang patunay dito ay ang pagpapaliwanag ni Vien sa YouTube comment ng kanilang vlog na  “Who is who (Lunuran Edition)” kung saan lubluban sa swimming pool ang parusa ng bawat miyembro.

Sagot ni Vien sa ilang komento na halos mauuwi na sa totoong pikunan ang kanilang laro: “‘Wag kayo issue wala po akong galit ganon po talaga pag magtotropa mag jojombagan.”

Friendly bonding

Minsan na ring sinagot ni Vien ang isang netizen nang paratangan siya nitong “gaya gaya” noong kasagsagan ng pag-usbong ng mga lady riders ng Team Payaman, na sumasabay sa trip ng kanilang mga asawa na nahihilig sa pagmomotor.

Sa Instagram post suot ang kaniyang motorcycle gears, isang netizen ang naglakas loob na nagsabing: “Gaya gaya kay Viy!”

Imbes na bigyan ng mahabang paliwanag ay isang savage na sagot lang ang iniwan ni Vien dito:

Wala ka kasing kaibigan.” Ang nasabing komento ay agad namang umani ng 2k likes.

We stan a classy clap back queen!

viyline.net

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 day ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

1 day ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

3 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

3 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

3 days ago

This website uses cookies.